Masakit Na Bukol Sa Singit Ano Ang Dahilan Nito

Mayron ka bang nakakapa na bukol sa singit? Ang pagkakaroon ng bukol kahit saang bahagi ng katawan ay nakakabahala. Ngunit may ilang sanhi kung bakit ito nangyayari. Ang bukol ay dapat na masuri kung ito ay hindi nawawala o kaya nagdudulot ng pananakit. Ano ba ang dahilan ng bukol sa singit sa kaliwa man o kanan?

Mga Posibleng Sakit ng Bukol sa Singit

  • Lymphoma, mga impeskyon
  • Luslos o Hernia
  • Cancer – Testicular Cancer, Colon Cancer, Ovary Cancer, Cervical Cancer, Prostate Cancer
  • HIV o AIDS

Alamin kung ano ang iyong sakit o dahilan ng iyong sintomas.

Bukol sa Singit

Ang bukol sa singit ay hindi dapat ipagwalang bahala. Ang isa sa posibleng dahilan nito ay impeksyon. Ang bahagi ng singit ay may nakapaloob na lymph nodes o kulani. Kapag ito ay namamaga, pwede itong lumaki at makapa bilang bukol.

Bakit Lumalaki Ang Kulani?

Ito ay dahil sa impeksyon. Kapag may impeksyon ka sa iyong katawan, ang pinakamalapit na lymph nodes o kulani ay namamaga. Dito nilalabanan ng iyong katawan ang impeksyon. Ilan sa posibleng dahilan nito ay cancer na malapit sa singit gaya ng prostate cancer, ovarian cancer, cervical cancer, colon cancer o kaya testicular cancer (cancer sa bayag).

Cancer Ba Ito?

Ngunit ang bukol sa singit ay hindi nangangahulugan na dahil sa cancer. Ang STD o sexually transmitted disease ay pwede ring magdulot ng bukol sa kulani ng singit.

Ano ang Prostate Cancer sa Lalaki?

Ang pagkakaroon ng sugat sa paa, sa iyong ari, impeksyon sa sikmura, sa hita o maging sa ibang organs malapit rito ay pwede ring magdulot ng bukol. Huwag agad isipin na ikaw ay may cancer kung hindi ito nasusuri ng doktor.

Ano Ang Dapat Gawin?

Kung ang iyong bukol ay masakit o kaya lumalakai, ipasuri agad ito sa doktor. Gayunpaman, ang pagkakaroon nito sa singit ay dapat nang sabihin sa doktor upang maagapan kung anuman ang dahilan nito. Iwasan muna ang pagsusuot ng masikip na underwear at damit. Huwag munang gumawa ng masyadong pisikal na gawain gaya ng pagtakbo o pagbubuhat ng mabigat. Kumonsulta agad sa isang doktor upang ito ay masuri.

Ano Ang Doktor Para Sa Bukol Singit?

Pwede kang kumonsulta sa isang family medicine o general medicine na doktor. Pwede rin ang isang urologist dahil malapit ito sa iyong pag-ihi. Ang pagkakaroon ng bukol sa bahagi na ito ay dapat na masuri agad upang malunasan.

Gamot Para sa Bukol Sa Singit na Masakit

Ang bukol ay maaaring maga na lymph nodes. Importante na ito ay masuri upang malaman kung ano ang antibiotics na para sayo dahil sa impeksyon. Ngunit kung ito ay may kinalaman sa cancer, magpasuri sa doctor upang malaman ang dapat na treatment.

Ito Ba Ay HIV o AIDS?

Ang pagkakaroon ng impeksyon sa katawan ay posibleng magpamaga sa lymph nodes. Ang taong may HIV ay pwedeng makaranas ng bukol sa singit dahil sa virus. Ngunit tandaan mo na hindi dahil may bukol ka ay may HIV ka na. Magpasuri agad sa doktor sa anumang nakakabahalang sintomas na meron ka.

Ano Ang HIV?

Alamin sa iyong doktor kung ano ang dahilan ng iyong namamaga na singit at ang bukol nito.

Source: Healthline