Madalas ka bang nakatulala? May mga taong naging ugali na ang pagtulala habang ang iba naman ay hindi sinasadya. Ano ang posibleng dahilan ng laging tulala sa kawalan.
Mga Dahilan
Ano ang mga posibleng dahilan ng pagkatulala? Ang mga ganitong pangyayari ay madalas makita sa mga bata. Ngunit may ibang adults na pwede ring makaranas nito. Ang mga posibleng dahilan ay:
Pagkakaroon ng absent-mindedness
Absence Seizures
Behavioral disorder
Depression
Stress
Ang absence seizures ay pwedeng tumagal ng hanggang 15 seconds. Ang ibang tao ay pwedeng madalas pumikit kapag ito ay sinusumpong.
Mga Sintomas
Ang mga sumusunod ay mga sintomas ng laging tulala:
Laging nakatitig sa kawalan
Biglang natutulala
Nakatingin sa malayo
Hindi nakakapansin ng ibang tao
Maaaring inaantok o wala sa isip
Pagiging Makakaliutin
Doktor Para sa Tulala
Ang mga psychiatrist ay pwedeng tumingin sa mga pasyente na may ganitong sintomas. Ngunit kahit ang mga neurologist ay pwede ring magbigay ng opinion or diagnosis kung may ibang sintomas.
Gamot sa Laging Tulala
Ang doktor ay pwedeng mag-diagnose kung ano ang tunay na dahilan ng sintomas. Ang gamot ay binibigay lamang ng doktor kung kailangan ng treatment sa partikular na sintomas.
Tests sa Laging Tulala
May ibang doktor na pwedeng mag-rekomenda ng tests gaya ng MRI or mga psychological tests para sa pasyente. Importante na ipakonsulta sa isang espesyalista kung ito ay nakakaabala na sa normal na gawain at pamumuhay.
References: Harvard, HopkinsMedicine