Ang paghatsing tuwing umaga pagkagising ay pwedeng dahil sa alikabok na sanhi ng allergic rhinitis. Kapag gumigising sa umaga, ang mga alikabok ay lumilipad at pwede mo itong malanghap ayon sa Cleveland.
Ang allergic rhinitis ay isang karamdaman o kondisyon sa kalusugan na pwedeng magdulot ng madalas na sneezing. Ito ay reaction sa mga alikabok, mga kemikal, pabango at iba pang nakakairita sa pang amoy ng isang tao.
- Mga pabango
- Alikabok
- Kemikal sa make-up
- Mga pollen ng bulaklak
- Usok ng sigarilyo
- Usok ng sasakyan
- Pagkakaroon ng sipon
May mga nabibiling gamot para sa allergy o allergic rhinitis. Ngunit dapat mong ikonsulta muna ito sa isang doktor dahil ang mga gamot ay maaaring magkaroon ng side effects kung hindi ito bagay sa iyong kondisyon.
Ang mga gamot na nabibili ay tinatawag na antihistamine. Pwede kang makabili ng mga ito sa botika nang may kasamang reseta.
Kahit ang isang family medicine ay pwedeng makapagbigay ng gamot para rito. Ngunit ang doktor na may kinalaman sa paghinga ay isang pulmonologist.
Kung ikaw ay may iba pang sintomas, dapat kang pumunta sa isang doktor upang magpasuri. Ang ilan sa mga dapat bantayan ay hirap sa paghinga, pagdurugo ng ilong, pagsisikip ng dibdib at pgkakaroon ng lagnat.