Kulay Kalawang Na Plema – Ano Ang Sanhi

Nakakatakot ang isang bagay kapag may abnormalidad lalo na sa iyong kalusugan. Ngunit hindi dapat mag panic dahil mas importante na malaman kung ano ang sanhi ng kulay kalawang na plema.

Bakit Kulay Kalawang ang Sipon at Plema ko?

Isa sa pangunahing dahilan ng kulay kalawang na plema ay pagkakaroon ng dugo. Ang bahid ng dugo ay pwedeng humalo sa plema at sipon kaya ito nagiging kulay light red o light brown.

Sa mga taong may kasamang matinding pag-ubo, ito rin ay pwedeng mangyari kapag nagkaroon ng sugat ang lalamunan o iba pang bahagi ng throat at esophagus.

Ano Ang Sanhi ng Plema na light brown o light red?

Ang pagkakaroon ng dugo sa plema ay isang nakakabahalang pangyayari. Ilan sa mga posibleng dahilan ay:

Lung Cancer o tumor – Click mga sintomas ng lung cancer

Sugat sa lalamunan dahil sa madalas na pag ubo

Pagkakaroon ng ulcer na umaakyat hanggang sa lalamunan

Pagkakaroon ng Emphysema

Tubercolosis o TB

Ang pagkakaroon ng mga sintomas na ito ay hindi nangangahulugan na may sakit ka. Importante na ito ay ma confirm muna ng isang doktor sa pamamagitan madalas ng isang check up o X ray.

Nakakamatay ba ang dugo sa plema? Ang pagkakaroon ng dugo sa sipon o plema ay sintomas lamang. Dapat malaman muna kung ano ang dahilan nito.

Paano mawala ang kulay kalawang sa plema? Ang paggamot ng mga sakit na nagdudulot ng plema na ganitong kulay ang mabisang paraan para mawala ito. Magpa check up agad kung ikaw ay may ganitong nararamdaman na sintomas.

Umuubo at dumadahak ng plema na may dugo. Ang ganitong sintomas ay dapat na pansinin agad at dalhin sa isang doktor.

Ano ang doktor para sa dugo sa plema? Pwede kang kumonsulta sa isang pulmonologist upang malaman kung ikaw ay may problema sa baga.

HIV ang dahilan ng dugo sa plema? Ang panghihina ng baga dahil sa TB o pneumonia ay isang posibleng resulta kung ang tao ay may HIV. Dahil mahina ang kanyang resistensya, pwede siyang kapitan ng mga impeksyon sa baga.



Last Updated on August 9, 2019 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Kulay Kalawang Na Plema – Ano Ang Sanhi