Home » Kamay Na May Tumutusok Tusok At Manhid – Sanhi at Gamot Para Rito

Kamay Na May Tumutusok Tusok At Manhid – Sanhi at Gamot Para Rito

Bakit may tumutusok tusok sa kamay ko? Ito ay isang sintomas na maaaring may kinalaman sa mga nerves o kaugatan. Kung ikaw ay palaging nakakaramdam ng tusok tusok at manhid na kamay, dapat mo itong ipasuri sa isang doktor. Samantala, ang mga sintomas nito ay pwede ring maramdaman sa ibang bahagi ng katawan gaya ng paa at mukha.

Ano Ang Dahilan ng Tumutusok na Pakiramdam?

May mga ilang kondisyon sa kalusugan na pwedeng magdulot ng tusok tusok at pamamanhid. Sa kamay, ang ilan sa mga posibleng dahilan ay ang mga sumusunod:


Carpal Tunnel Syndrome – iritasyon sa nerves na malapit sa kamay (wrist). Ito ay nangyayari kapag ang mga kamay ay nagbubuhat ng mabibigat na hindi maganda and pwesto. Maaari rin itong makuha sa sobrang tagal ng paggamit ng keyboard o pagtugtog ng gitara at iba pang gawain.

Diabetes – may mga kondisyon kung saan ang sobrang taas ng sugar sa dugo ay nakakasira ng nerves. Ito ay pwedeng makaapekto sa iyong mga kamay kaya ka nakakaranas ng mga sintomas ng manhid at tusok.

Stroke – may mga pasyente kung saan ang pagkakaroon ng manhid sa isang parte ng katawan, kasama na ang tusok sa kamay ay posibleng may kinalaman sa stroke. Dapat kang pumunta agad sa ospital kung sa tingin mo ay may stroke ka.

Nerve Disease – may ilang systemic na nerve disease na pwedeng makaapekto sa kamay. Ito ay posible ring magbigya ng pangangalay at tusok.

Ano Ang Gamot sa Pamamanhid ng Kamay

Kung ang iyong sintomas ay may parang tumutusok tusok, importante na ito ay masuri ng doktor. Kung sasabihin niyang ito ay dahil sa peripheral neuropathy o pamamanhid, may mga produkto na pwedeng inumin upang maayos muli ang damage nerves o ugat.

Isa sa halimbawa nito ay ang pag-inom ng vitamin B complex supplements. Ito ay may laman ng Vitamin B1, B6 at B12. May mga nabibiling brands sa mga botika. Ito ay medyo may kamahalan ngunit importante na mainom upang makatulong sa iyong kondisyon.

Sino Ang Doktor Na Dapat Puntahan

Ang isang neurologist ay eksperto sa mga ugat at nerves. Pwede mong ipatingin ang iyong sintomas sa isang doktor na gaya niya upang mabigyan ng lunas.

Paano Ito Maiiwasan

Ang katandaan ay hindi maiiwasan at ito ay isa sa dahilan ng pagkakaroon ng tusok tusok sa kamay. Ngunit may ilang paraan upang maiwasan ito. Kailangang ipahinga muna ang mga kamay matapos gamitin ng matagalan sa isang araw. Importante rin na gumawa ng hand exercise upang maging maganda muli ang daloy ng dugo.

error: Copyright Protected!