Nakagat ka ba ng aso o pusa? Importante na ikkonsulta sa doktor kung kailangan ng anti-rabies vaccine. Ang virus ay nakamamatay kung hindi maagapan ng bakuna.
Ilang Araw Dapat Magpa Anti Rabies Vaccine
Matapos makagat ng aso o pusa, ang pasyente ay dapat mabigyan ng bakuna sa loob ng 24 oras. Ang window hours naman ay pwedeng umabot hanggang 72 hours na tinuturing na kritikal kung sakaling may rabies ang hayop.
Saan Pwede Magpa Anti Rabies
Ang mga ospital ay may Animal Bite Centers. Pwede rin mag request ng check up at vaccination sa mga stand alone clinics na may ABC or Animal Bite Center services.
Anong Hayop ang Posibleng May Rabies
Ang aso ang isa sa pinakamadalas na makapaglipat ng virus sa tao sa pamamagitan ng kagat. Ngunit kahit ang mga pusa ay posible ring ma-infect ng rabies.
Ang anumang kagat o kalmot ng mga hayop ay dapat na ipa-check up sa isang doktor.
Gaano Karami ang Anti Rabies Shots
Ilan ang kailangan na anti rabies shots? Ang vaccine na ito ay binibigay bilang set na may pagitan na ilang araw. Ang doktor ang magbibigay ng schedule kung kailan ang mga next na vaccines. Ang madalas na regimen ay Day 0, 3, 7 at 14 days.
Magkano Ang Anti Rabies
Ang average price ng isang anti rabies shot ay mula Php 450 hanggang 600. Madalas, ang pasyente ay kailangan maka-kumpleto ng shots ng tatlong beses o Php 1,800.
Iba Pang Bakuna
Maliban sa anti-rabies, maaari ring magbigay ng doktor ng anti-tetanus shots depende sa lalim ng sugat.
Namatay Ang Hayop
Kung sakaling namatay ang hayop sa loob ng ilang araw (10 days), maaaring ito ay infected ng rabies. Kumonsulta agad sa doktor kung ang hayop na kumagat sa iyo ay namatay.
References: MountSinai, MN Health State