Hirap Dumumi – Hindi Makatae Dahil Sa Constipation

Nahihirapan ka bang dumumi? Ang mga tao na may problema sa kanilang digestive system ay pwedeng makaranas ng constipation. Kapag ikaw ay meron nito, mahirap tumae ng maayos at ito ay pwedeng makaapekto sa iyong kalusugan. Importante na malaman mo ang sanhi nito upang malunasan.

Ano Ang Mga Sintomas ng Constipation?

Ang hirap sa pagdumi ay nangyayari kapag hindi normal ang daloy ng pagkain sa iyong katawan. Ilan sa mga posibleng sintomas nito ay:

  • Matigas palagi ang tae kapag dumudumi
  • Hirap ilabas ang dumi araw araw
  • Hindi tumatae ng higit sa isang araw
  • Matigas ang tae at maliit
  • Malaki ang hugis ng tae at hirap ilabas
  • Parang mabigat ang pakiramdam sa tiyan

Sanhi at Dahilan

Isa sa karaniwang sanhi ng hirap sa pagtae ay kakulangan sa tubig. Kapag ikaw ay kulang nito, pwedeng maging matigas ang iyong tae. Mahihirapan kang ilabas ang dumi kapag hindi sapat ang tubig sa iyong katawan.

Isa pang posibleng dahilan at kakulangan sa fiber. Ito ay importante para sa maayos na pagdumi araw araw. May mga taong kulang sa fiber dahil sa kanilang pagkain.

Palaging karne ang kinakain. Ito ay pwede rin makaapekto sa iyong dumi. Mas hirap ilabas ang dumi kapag palaging karne ang iyong kinakain gaya ng baka, baboy at iba pa.

Ang stress ay posible ring makaapekto sa iyong pagdumi. Kapag ikaw ay palaging stressed out, ito ay magdudulot ng imbalance sa iyong hormones. Maaari kang magkaroon ng constipation dahil dito.

Ano Ang Solusyon?

Dapat kang uminom ng sapat na tubig araw araw. Ito ay makakatulong upang maging balanse ang tubig sa iyong katawan. Kumain din ng mga pagkain na mayaman sa fiber gaya ng prutas at gulay. Bawasan ang stress upang hindi ito makaapekto sa iyong kalusugan. May ilang gamot at supplements na pwede mabili para sa constipation. Pwede mo itong itanong sa pinakamalapit na pharmacy o drug store. Kung ikaw ay may iba pang nararamdaman, kumonsulta agad sa isang doktor.