Hindi Pa Dumudumi ng Tatlong Araw Ano Ang Dahilan

Hirap ka bang dumumi ng ilang araw? Ang mga tao na nakakaranas ng mabagal o hindi pag dumi ng higit sa tatlong araw ay maaaring may constipation. Importante na ito ay mabigay ng solusyon upang hindi maging sanhi ng problema.

Mga Sintomas

Iba iba ang sintomas na pwedeng maranasan ng isang tao tungkol sa constipation. Ang isang pasyente na hindi makatae ng tatlong araw o higit pa ay pwedeng makaranas ng iba pang sintomas maliban sa mga nabanggit.

  • Hirap ilabas ang dumi
  • Nakaka-tae lamang ng mababa sa tatlong beses sa isang linggo
  • Parang mabigat ang pakiramdam ng tiyan
  • May pananakit sa kaliwang bahagi ng tiyan
  • Hindi mapakali
  • Matigas ang tae na lumalabas
  • Mahapdi sa pwet kapag tumatae

Bakit Hindi Makadumi

Ang mga tao na hindi makatae ng tatlong araw o higit pa ay pwedeng may sintomas ng constipation. Ito ay isang kondisyon na kung saan nahihirapan ang ang isang tao sa paglabas ng kanyang dumi. Maraming pwedeng dahilan nito gaya ng:

Related: Colon Cancer Paano Malalaman

  • IBS o Irritable Bowel Syndrom
  • Kakulangan sa tubig
  • Kakulangan sa fiber
  • Tumor sa colon (colon cancer)
  • Kulang sa exercise
  • Pagpipigil ng magdumi
  • Side effects ng ilang gamot

Ano Ang Lunas sa Hindi Makadumi

May ilang tao na gumiginhawa kapag nakadumi sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig, pagkain ng high fiber foods o kaya paggamit ng over the counter medicine para sa constipation.

Pwede kang magtanong sa doctor o pharmacist kung ano ang tamang gamot para sa iyong sintomas.

Doctor Para sa Di Makatae

Ang isang gastroenterologist ang pwedeng makatulong sa kahit anong sakit tungkol sa digestive system. Pwede ka rin kumonsulta sa isang family medicine doctor.

Komplikasyon

Sa mga pambihirang pagkakataon, may ilang tao na pwedeng magkaroon ng komplikasyon dahil sa constipation. Ito ay pwedeng magdulot ng pagdurugo, pagkapunit ng puwet o kaya naman ay infection.

References: Cleveland Clinic



Last Updated on May 21, 2023 by admin

Home / Sakit sa Sikmura at Tiyan / Hindi Pa Dumudumi ng Tatlong Araw Ano Ang Dahilan