Hindi Makatulog Sa Gabi

May mga ilang dahilan kung bakit ang isang tao ay nahihirapan na makatulog kapag gabi. Ang isa sa pinaka-popular na sanhi ng hindi makatulog ay insomnia.

Insomnia – ito ay isang termino na ginagamit kapag ang isang tao ay laging hindi nakakatulog na nangyayari gabi-gabi.

Pag-inom ng caffeinated drinks – may ilang pagkain at inumin na pwedeng maging stimulant sa katawan kaya nahihirapan ang isang tao na makatulog. Ilan sa mga ito ay kape, tsaa, softdrinks at chocolate.

Stress – maraming nag-aakala na kapag ang tao ay pagod, mas madali siyang makakatulog. Ito ay hindi palaging nangyayari dahil ang tao kapag stressed ay mas hirap makatulog sa gabi ayon sa SleepFoundation.

Menopause – sa mga babae, ang hirap sa pagtulog ay maaaring dulot ng menopause. Ang pag-iiba ng hormone ay pwedeng makaapekto sa normal ng tulog sa gabi.

Sakit – may mga sakit na maaaring makaapekto sa pagtulog. Ilan sa mga ito ay diabetes, brain cancer o tumor, hormone imbalance, HIV, nerve damage, multiple sclerosis at iba pa.

May ilang supplements na gawa sa herbal medicine na sinasabing nakakatulong sa pagtulog. May ilang sleeping pills din na pwedeng mabili mula sa mga botika. Paalala lamang, ikaw ay dapat na sumangguni muna sa isang doktor bago uminom ng mga produktong ito.

May ilang gawain na pwedeng makatulong sa insomnia. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

  • Pag-inom ng gatas
  • Pagbawas ng stress sa buhay at katawan
  • Pagtakda ng oras ng tulog
  • Pagsunod sa tinakdang oras
  • Pagkain ng masustansiyang pagkain
  • Pag-inom ng vitamins kung kinakailangan
  • Pag eehersisyo ng regular
  • Pag-iwas sa mga gadgets bago matulog