Madilaw ba ang ngipin mo? Ito ay may iba’t ibang dahilan na pwedeng bigyan ng lunas. Alamin kung ano ang sanhi ng paninilaw ng ipin lalo na sa harapang bahagi.
Dahilan ng Dilaw na Ipin
Iba iba ang pwedeng sanhi ng naninilaw na ngipin. Ang mga sumusunod ay pwedeng magdulot ng paninilaw lalo na sa harap.
- Paninigarilyo
- Madalas na pag-inom ng kape o alak
- Tartar o Plaque
- Genetics o nasa lahi
- Pagkakaroon ng sira gaya ng cavity o crack
- Pag-inom ng mga gamot
Madalas ang dilaw na ngipin sa harap ay isang problema. Sa mga taong meron nito, maaaring magdulot ng kahihiyan lalo na kapag nakikipag usap sa iba. May solusyon ba para dito?
Mga Sintomas
Madilaw ang harap na ngipin
Hindi matanggal na mantsa ng ipin
May crack o dilaw na ngipin sa bagang
Brown or kupas na kulay ng ngipin
Lunas sa Dilaw na Ngipin
Ano ang pwedeng gawin para mawala ang paninilaw ng ipin? May ilang whitening toothpaste na pwedeng magamit at mabili over the counter. Ang ibang dentista naman ay pwedeng mag-offer ng teeth bleaching sessions.
Depende sa paninilaw ng iyong ngipin, ang solusyon ay iba-iba rin. Kung ito ay bilang isang mantsa, importante na malaman kung anong pagkain o inumin ang nagdudulot ng paninilaw.
Kung ito ay dumi gaya ng plaque, pwedeng matanggal ito ng isang dentista sa pamamagitan ng oral prophylaxis.
References: Colgate