Palaging Matigas Ang Dumi

Ang tawag nito sa English ay constipation. Ang dahilan ng palaging matigas at malaki ang dumi ay kakulangan sa tubig or fiber sa pagkain.

Ayon sa Johns Hopkins, ito rin ay pwedeng mangyari kung ikaw ay kulang sa exercise. Ang natural na movement ng dumi sa loob ng tiyan ay apektado.

Ang constipation ay isang kalagayan ng problema sa pagdumi. Ito ay nagdudulot ng ilang sintomas na nagpapahirap sa isang tao.

  • Matigas na tae araw araw
  • Hirap at matigas na dumi
  • Pakiramdam na parang laging puno ang bituka
  • Masakit na pagdumi dahil matigas ito
  • Hindi pagtae ng labis sa isang araw
  • Pagdugo ng butas ng puwet kapag dumudumi

Ang pagpapalambot ng dumi ay importante sa taong may constipation. Ito ay para masiguro na hindi masasaktan ang iyong puwet habang dumudumi.

Ilan sa mga dapat gawin kapag may constipation ay ang mga sumusunod:

  • Pag inom ng sapat na tubig araw-araw.
  • Pag-iwas sa ilang pagkain na lalong nagpapatigas na tae gaya ng mga karne.
  • Pagkain ng mg prutas at gulay na mataas sa fiber
  • Pag-ehersisyo
  • Pag-iwas sa alak, alkohol at paninigarilyo.

May ilang gamot para sa matigas na tae ang pwedeng mabili sa mga botika. May ilang paraan din na gamitin ang suppository na pwedeng makatulong upang lumabas ang dumi.

Kapag ganito ang nangyayari, kumakain lang kami ng mga gulay na mataas sa fiber at nagiging maayos na ang aming dumi after 24 hours. Mga madahon na gulay ang sinasabi ng doktor.

Ang isang gastroenterologist ay ang tamang doktor para sa sikmura at panunaw ng pagkain. Kapag ikaw ay kumonsulta, pwede kang bigyan ng ilang test para malaman kung may problema ka sa kalusugan. Ang mga taong edad 40 to 50 pataas ay dapat na magkaroon ng screening para sa colon cancer at iba pang sakit.



Last Updated on September 10, 2024 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Palaging Matigas Ang Dumi