Madalas ka ba magkaroon ng biglaang mga pasa sa hita, braso, kamay at iba pang bahagi ng iyong katawan? Minsan, bigla na lang lilitaw ang isang pasa nang walang dahilan. Alamin ang posibleng sanhi nito.
Mga Dahilan Ng Biglang Pasa Sa Balat
Bakit may biglang pasa? Ilan sa mga posibleng dahilan nito ay Leukemia o cancer sa dugo, nabunggo sa matigas na bagay o kakulangan sa vitamins at minerals. Sa isang banda, ang pagkakaroon ng sintomas ng HIV ay posible ring magdulot ng pasa.
See: Online Check Up
- Vitamin deficiency
- Leukemia
- HIV
- Blood diseases
Gamot Sa Biglang Pasa sa Balat
Ang pasa ay normal na nawawala sa loob ng ilang araw. Kung ito ay tumatagal o dumadami at lumulipat sa ibang bahagi ng katawan, maaaring ito ay may kinalaman sa iyong dugo o circulatory system. Pumunta sa doktor upang malaman ang sanhi nito.
See: Doktor Consultation
Dapat na ito ay ikonsulta sa isang doctor kung dumadami o lumalala ang mga pasa. Sa mga may edad, mas malaki rin ang chance na magkaroon ng pasa sa simpleng bunggo lamang.
Ang pagkakaroon ng pasa dahil sa isang tama o bunggo sa matigas na bagay ay normal lamang. Ngunit kung ito ay lumalabas nang walang dahilan, maaaring ito ay may kinalaman sa isang karamdaman na sintomas ng cancer sa dugo.
Mga Sintomas Ng Pasa Sa Katawan
- Biglaang paglitaw ng pasa sa braso at hita
- Mga pasa sa tiyan, mukha at kamay
- May mga pasa pasa sa katawan at ibang bahagi
- Nangingitim ng mga pasa sa katawan
- Hindi masakit na pasa
- Pasa na masakit kapag hinahawakan
Injury
Ang isang pinakakaraniwang sanhi ay pagkakaroon ng trauma. Kung may bahagi ng katawan ka na nabunggo sa matigas na bagay, maaari itong magkaroon ng maitim, namumula o violet at green na pasa. Ito ay dahil sa nasirang mga blood vessel sa ilalim ng iyong muscle at balat. Maaari itong tumagal ng ilang araw.
Cancer
Kung ikaw naman ay may problema o sakit sa dugo, maaari itong lumabas bilang mga pasa. Halimbawa, at pagkakaroon ng leukemia ay pwedeng magdulot ng mga pasa pasa sa katawan.
Malnutrition
Kakulangan sa ilang nutrients gaya ng Vitamin K. Ang kakulangan ng sustansiya na may kinalaman sa malusog na dugo ay pwede ring magdulot ng mga pasa. Ito ay dahil nagre-react ang katawan at pwedeng magdulot ng pamumuo ng dugo na nakikita sa balat.
Sakit
May ilang karamdaman din na pwedeng magdulot ng pasa sa katawan gaya ng HIV o Cancer. Importante na ikaw ay kumonsulta sa doktor kapag napapansin mong dumadami ang mga pasa sa katawan o matagal ito mawala.
Pasa Sa Balat Ng Bata
Sa mga bata, karaniwang sila ay nagkakaroon ng pasa dahil sila ay naglalaro. Kung ikaw ay may napapansin na di karaniwang pasa sa iyong anak, importante na ikonsulta ito sa doktor.
Doctor Para Sa Biglaang Pasa
Ang isang klase ng doctor para sa pasa ay pwedeng magsimula sa internal medicine. Base sa mga test at resulta nito, ikaw ay irerefer sa isang espesyalista sa dugo.
Mga Dapat Iwasan
Dapat na iwasan na magkaroon ng injury gaya ng pagkabunggo sa matitigas na bagay, pagkadulas o pagkahulog. Importante rin na umiwas sa mga activities na maaaring magdulot ng trauma.
References: Mayoclinic