Bakit Nanginginig Ang Panga Ko? – Panga Na May Panginginig

May nararanasan ka bang panginginig sa iyong panga at ibang parte ng mukha? Kung ito ay isang sintomas na palaging nangyayari, dapat mong alamin kung ano ang dahilan nito? Ang ilang panginginig ay maaaring dahil sa sakit o kondisyon sa kalusugan. Ito rin ay tinatawag na essential tremors ayon sa WebMD.

Ano Ang Pwede Sintomas ng Nanginginig na Panga?

Ang panga ay pwedeng makaranas ng alinman sa mga ito:

  • Nanginginig ang panga kapag nagsasalita
  • Nanginginig ang panga kahit nakasarado ang bibig o bunganga
  • May nginig sa bibig, baba at labi
  • Nauutal magsalita dahil sa panginginig

Ano Ang Sakit Kapag Nanginginig?

Isa sa posibleng dahilan nito ay ang kulangan sa ilang vitamins. Kung hindi sapat ang iyong kinakain at kulang sa sustansya, ang iyong muscles at nerves ay pwedeng magkaroon ng nanginginig na sintomas.

Ang stroke ay pwede ring magdulot ng ganitong sintomas. Kapag ang iyong stroke ay nagsisimula na, ang nerves ay nahihirapan magkaroon ng coordination dahil sa kakulangan ng oxygen sa utak. Magmadaling pumunta sa ospital kung may sintomas ng stroke.

Stress din ay posibleng magdulot ng panginginig sa panga. Ang matinding stress, anxiety at panic ay nagdudulot ng nginig sa buong katawan.

Hyperthyroidism and isa pang posibleng sakit na nagdudulot ng tremors pero ito ay may iba pang sintomas gaya ng palpitation, pagpayat at paghingal. Madalas ito sa mga kababaihan.

Ang simpleng ginaw dahil sa panahon ay pwede ring magdulot nito.

May ilan pang posibleng sakit na may relasyon sa panginginig sa panga.

Ano Ang Dapat Gawin?

Ano ang gamot sa nginig? Dapat mo munang malaman kung ano ang sanhi ng iyong panginginig sa bunganga. Ang isang doktor lamang ang pwedeng magbigay ng diagnosis at ng gamot.

Ano Ang Doctor na Pwede sa Nginig?

Kung ito ay may kinalaman sa nerves at utak, sa isang neurologist ka pwedeng kumonsulta. Pero pwede rin ito sa isang general medicine, family medicine o internal medicine na doctors.

Ito Ba Ay Epilepsy?

Ang epilepsy ay ang abnormal na signals sa loob ng utak na siyang pwedeng magdulot ng nginig sa mga parte ng katawan. Kung ikaw ay naghihinala na meron nito, pumunta agad sa isang doktor.

Sintomas Ba Ito ng Cancer?

Importante na ikaw ay masuri muna ng isang doctor para malaman ang dahilan ng iyong sintomas. Huwag mag self diagnose hangga’t hindi ito napapatunayan sa mga tests mula sa doctor.

Reference: WebMD



Last Updated on October 4, 2019 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Bakit Nanginginig Ang Panga Ko? – Panga Na May Panginginig