Ano ng dahilan ng biglaang pagpayat? Maraming tao ang gustong pumayat lalo na kung sila ay sobrang taba. Ngunit ang biglaang pagpayat ay maaaring may kinalaman sa isang sakit ayon sa Mayoclinic. Dapat mong malaman kung ano ang mga posibleng sanhi nito.
Sanhi ng Pagpayat ng Bigla
Mababawasan ang timbang mo dahil nababawasan ang taba. Ito ay maaaring mangyari kung sinasadya mong gumawa ng mas maraming bagay kaysa sa normal. Isa na rito ang pag ehersisyo at pagpunta sa gym. May ilang sakit na pwedeng maging sanhi ng pagpayat gaya ng diabetes, sintomas ng HIV o kaya stress.
Ngunit may ilang kondisyon sa kalusugan, sakit o karamdaman na pwedeng maging dahilan ng pagpayat na mabilis. Ilan sa mga ito ay:
- Diabetes
- Paghina ng Resistensiya
- Menopause
- Impeksiyon
- Stress
- HIV
- Problema sa Thyroid (Hyperthyroidism o Hypothyroidism)
- Sakit sa mga organ gaya ng atay, lapay at bato
- Cancer
Mga Sintomas na Maaaring May Kinalaman
Maliban sa pagbaba ng iyong timbang, maaari ka ring magkaroon ng mga sumusunod:
- Nanghihina at matamlay
- Masakit na mga kalamnan
- Nahihilo
- Hindi makatulog ng maayos
- Laging depressed
Mga Dapat Kainin
Importante na ikaw ay kumain ng masustansiyang pagkain. Dagdagan ang pagkain ng prutas at gulay at mga masustansiyang karne. Iwasan rin ang pagkain ng matataas sa kolesterol at pag-inom ng alak.
Ang mga pagkain na mayaas sa protein ay makakatulong sa pagbuild ulit ng muscles. Ito ay karaniwan sa manok, baboy at isda.
May Gamot Ba Para Rito?
Ang biglaang pagpayat ay nakakabahala. Ngunit kung ikaw naman ay madalas mag ehersisyo, palaging pagod sa trabaho o stressed, maaaring baligtarin ang pangyayari na ito sa simpleng pagaayso ng iyong lifestyle.
Sa isang banda, ang mga sakit na nabanggit ay dapat na suriin ng isang doktor. Importante na ikonsulta agad sa doktor kung may nararamdamang mga sintomas maliban sa pagpayat o pagbaba ng timbang.
llan sa mga dapat mong bantayan ay pagkakaroon ng lagnat ng madalas, masakit na parte ng mga katawan, pagkakaroon ng abnormal na ihi at dumi, paghina ng mga buto at muscles.
Doctor Para sa Biglang Pagpayat
Kung ikaw ay biglang pumayat sa loob ng ilang buwan, pwede kang kumonsulta sa isang Family Medicine doctor. Pwede siyang magrekomenda ng isa pang espesyalista kung may makita sa basic tests.
Ang isang endocrinologist naman ay may kinalaman sa thyroid, pancreas, atay o liver at sa mga kondisyon gaya ng diabetes.