Ang tigdas ay isang karamdaman na pwedeng maiwasan. Minsan, ito ay pwedeng makaapekto kahit sa matatanda hangga’t hindi sila nagkaroon ng sapat na proteksyon laban dito. Kung ikaw ay may tigdas, importante na makita ito ng isang doktor upang hindi magkaroon ng komplikasyon.
Ano Ang Sintomas ng Tigdas
Pwedeng magkaroon ng lagnat
Mga pula na butlig sa balat
Mga pantal pantal sa balat na flat
Pagkakaroon ng sipon
Pagkakaroon ng mga puti sa loob ng bunganga
Makati ang balat na may pulang butlig
Ano Ang Gamot Sa Tigdas?
Ang tigdas ay dahil sa measles virus. Ito ay nakakahawa. Walang gamot sa virus at hinahayaan ang resistensya ng katawan na labanan ito. Ang pagbibigay ng vitamin A at tamang nutrisyon at pahinga ay importante. Isangguni muna sa doktor bago uminom ng kahit anong gamot.
Depende sa sintomas, ang gamot ay ginagamit para labanan ang infection gaya ng bacteria bunga ng pneumonia dahil sa measles. Ang pagkakaroon ng lagnat at sakit ng ulo ay ginagamot din.
Paano Maiiwasan ang Tigdas
Tanging ang measles vaccine lamang ang paraan para maiwasan ito. Magpabakuna pati sa inyong mga anak upang maiwasan ito. Ang bakuna sa tigdas para sa matatanda ay available din.
Safe Ba Ang Bakuna sa Tigdas?
Safe ba ang measles vaccine? Ito ay safe at matagal nang ginagamit ng mga doktor sa buong mundo. Kung hindi ka sigurado kung kumpleto ang iyong vaccine, kumonsulta sa isang doctor.
Reference: Mayoclinic