Ano Ang Gamot sa Prostate – Prostatitis

Sa mga lalake, isang posibleng karamdaman habang nagkakaroon ng edad ay prostatitis o pamamaga ng prostate. Ang prostate ay isang gland na siyang nagbibigay ng liquid part ng semen o tamod. Kung ito ay namamaga, maaaring magkaroon ng ilang sintomas.

Mga Sintomas ng Prostatitis

Hirap umihi


Masakit kapag nilalabasan ng tamod (semen sperm)

Parang laging naiihi

Naiihi pa rin kahit kakatapos lang umihi

Mahina ang pressure ng ihi o tamod

Ano Ang Gamot sa Prostate na namamaga

Ang pamamaga ay maaaring dahil sa impeksyon. Kung ito ay bacterial, ang iyong doktor lamang ang pwedeng mareseta ng antibiotic na iyong iinumin. Kung ikaw naman ay may history ng UTI, posibleng isangguni rin ito sa iyong doktor.

Paano Malalaman Kung May Prostatitis

Maliban sa sintomas, ang iyong doktor ay pwedeng kapain kung maga ang prostate gland. Ipapasok niya ang kanyang daliri sa iyong puwet upang makapa ang prostate. Dito malalaman kung ito ay namamaga.

Ito Ba Ay Prostate Cancer?

Madalas na ang prostate cancer ay hindi dahil sa prostatitis. Itanong sa iyong doktor kung mataas ang risk mo na magkaroon nito.

error: Copyright Protected!