Madalas ka bang magkaroon ng LBM o diarrhea? Maaaring ikaw ay may sirain na tiyan at ito ay hindi magandang maranasan lalo na sa iyong mga lakad. Kung ito ay madalas mangyari sayo, may ilang paraan kung paano ito maiiwasan.
Ang diarrhea ay may iba ibang sintomas gaya ng lusaw o parang tubig na dumi o tae. May ilang tao rin na nakakaranas ng hilab ng tiyan at masakit na parte nito sa baba. Ang ilan naman ay puro hangin o tubig na dumi kapag natatae.
Ano ang gamot sa diarrhea? Ang diarrhea o LBM ay pwedeng mangyari kahit kanino. Kapag ikaw ay nakakain ng maduming pagkain o naghalo halo na ang mga kinain mo, ito ay pwedeng mangyari. Isa sa posibleng gamot ay ang mga nabibili sa botika na may generic name na Loperamide. Ngunit dapat mong tandaan na hindi dapat uminom ng gamot basta basta kung walang payo ng mga espesyalista.
Kung ikaw ay hindi sigurado, itanong ito sa iyong doktor o pharmacist. Sa isang banda, ang diarrhea o pagtatae ay nakakadehydrate. Importante na ikaw ay uminom ng maraming tubig at mapalitan ang electrolytes sa katawan. Ang mga bata ay binibigyan ng oral rehydration salts ng mga doktor ngunit ginagamit din ito sa matatanda.