Paano Gamutin Ang Singaw Sa Bunganga

May singaw ka ba na masakit? Ito ay karaniwang nangyayari sa mga bata ngunit ang mga matatanda rin ay nagkakaroon nito. Ang singaw ay masakit at nakakaabala sa pagkain. Kapag meron ka nito, mahapdi ang pagkain at paglunok. Paano nga ba mawawala ang singaw?

Ano Ang Singaw

Ang singaw ay tinatawag din canker sore o kaya cold sore. Sa Filipino, ito ay maaaring isa lamang ngunit magkaiba sila ng pinanggalingan. Ang canker sore ay pwedeng mangyari kapag nagkaroon ng trauma sa loob ng bunganga, halimbawa pagkakaroon ng sugat dahil sa pagkagat, matulis na pagkain o kaya naman dahil sa iba pang sanhi. Ang cold sore naman ay pwedeng magkaroon ng nana at ito ay dahil sa virus na tinatawag ring Herpes Simplex.

Paano Ginagamot ang Singaw?

Ito ay kusa ring nawawala dahil nilalabanan ng immune system ng katawan. Ngunit dahil sa masakit magsalita at kumain, ito ay pwedeng lagyan ng mga treatmen para mabawasan ang abalang dulot nito.

Hindi natutukoy ang eksaktong sanhi ng singaw. Pwede ito dahil sa pagkain, maliit ng ulcver sa bunganga o kaya naman ay impeksyon. Kung ikaw ay meron nito, maaaring maibsan ang pananakit sa paggamit ng tubig na may asin. Pwede itong imumog. Ang ibang tao naman ay gumagamit ng suka upang maging antiseptic.

May mga mouthwash din na pwede mabili sa botika para sa singaw. Ito ay minumumog upang mahugasan ang buong bunganga sa loob at mamatay kung may bacteria. Sa mga singaw na sanhi ng virus, ito ay kusa ring gagaling dahil sa immune system. Ngunit kung ito ay masyadong marami o kaya ay tumatagal na, dapat kang magpakonsulta sa isang doktor.

Anong Doktor Ang Dapat Tanungin?

Ang isang ENT na doktor ay pwedeng gumamot ng singaw. Ngunit kahit ang family medicine o maging ang dentista ay pwede ring magbigay ng gamot para sa singaw.