Sumasakit Na Singit – Dahilan At Lunas

Masakit na singit ba ang problema mo? Minsan, ang taong may ganitong sintomas ay maaaring may sakit na hindi pa natutuklasan. Ngunit huwag mabahala dahil ito ay posible namang magamot kapag nalaman na ang dahilan. Ang masakit na bahagi na ito ay pwedeng may kasabay na ibang sintomas sa katawan. Alamin natin kung ano ang mga ito.

Sintomas

Iba iba ang pwedeng maranasan ng mga tao kapag masakit ang singit. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

  • Masakit na singit kapag naglalakad
  • May bukol sa singit
  • Masakit kapag hinahawakan

Mga Sanhi

Ang sumasakit na singit ay may pwedeng may kaugnayan sa mga sumusunod

  • Arthritis
  • Impeksyon sa ibang bahagi (pantog, UTI, at iba pa)
  • Luslos
  • Simpleng masakit na kalamnan at buto
  • Namamaga ang kulani
  • Cancer (prostate, testicular o bayag, ovaries, uterus, colon at iba pa)

May Lunas Ba Para Rito?

Ang sakit sa bahaging ito ay isang sintomas lamang. Dapat mong ipa-check up ito sa isang doktor kung ito ay nangyayari na nang ilang araw. May ilang tao na nawawala rin ang masakit na parte sa pamamagitan ng pagpapahinga at stretching. Ngunit ang sintomas na  hindi nawawala sa loob ng dalawa o tatlong araw ay dapat ikonsulta sa isang doktor.

Kanino Ako Dapat Magpacheck Up?

Ang singit ay pwedeng ipa-check up sa isang urologist kung sa tingin mo ito ay dahil sa isang impeksyon. Samantala, ang buto at kalamnan naman ay pwedeng sa isang orthopedic surgeon o general medicine. May mga test na pwedeng irekomenda sa iyo gaya ng x-ray, ultrasound o urinalysis depende sa iba pang sintomas.

Mga Dapat Bantayan

Kung may iba ka pang sintomas, dapat kang magpakonsulta sa isang doktor. Ito ay maaaring may kinalaman sa sakit na hindi pa nakikita. Ang mga dapat bantayan ay:

Lagnat

Dugo sa ihi

Dugo sa tae

Masakit ng singit na may bukol sa kulani

Masakit na ari

Hindi makalakad o makatayo ng maayos

Alamin ang dahilan ng iyong sintomas at huwag hayaang lumala ang iyong nararamdaman.