May baluktot na daliri ka ba? Kung palaging naninigas ang daliri mo o di kaya naman ay kung ito ay tabingi at baluktot, maaaring ito ay may kinalaman sa arthritis. Madalas itong makita sa mga taong may edad na. Tandaan, ang pagkakaroon ng arthritis ay hindi lamang nangyayari sa matanda.
Ano Ang Dahilan Nito?
Arthritis ang isa sa pinakamadalas na dahilan kung bakit baluktot ang iyong daliri. Ito ay dahil sa pagpondo ng uric acid sa iyong mga kasu-kasuan. Kung nakakaramdam ka ng pananakit, ito ay maaaring magkumpirma ng sakit.
Ang isang injury o pilay ay pwede ring maging dahilan ng tabingi na daliri sa kamay. Ito ay pwedeng mangyari kung tumama ang iyong daliri sa matigas na bagay. Kung may pilay ka, pwede itong maging sanhi ng masakit na daliri kapag binabaluktot.
May ilang pagkakataon na maaaring magbago ang itsura ng mga daliri sa kamay dahil sa cancer. Kung ikaw ay meron nito, pwede ka ring makaranas ng baluktot na daliri sa mga dulo nito.
Karaniwang Sintomas
- Ang arthritis ay may mga sintomas na:
- Masakit na kasu-kasuan
- Naninigas na mga daliri
- Hindi maigalaw na mga buto
- Masakit na mga buto pagkagising sa umaga o kapag malamig
Ano Ang Lunas at Solusyon Dito?
Ang naninigas na daliri at kasu-kasuan at pwedeng maagapan. Kung ito ay masakit, pwedeng gumamit ng pain reliever ayon sa reseta ng doktor.
Samantala, pwede mo ring bigyan ng masahe at exercise ang mga daliri kung hindi ito masakit. Makakatulong ang galaw upang mabawasan ang deformity nito o pagiging tabingi.
Mga Pagkain na Dapat Iwasan
Kung ang iyong sintomas ay may kinalaman sa arthritis, dapat kang umiwas sa ilang mga pagkain na nagdudulot nito. Ilan sa mga ito ay mga seeds, buto, ilang gulay gaya ng repolyo, cauliflower at maging mga inumin na may alcohol. Iwasan rin ang mga laman loob na pagkain.