Hindi Nawawala Ang Sipon Ng Matagal Na Araw O Buwan

May sipon ka ba na hindi nawawala o kaya pabalik balik? Kung ito ay madalas na nangyayari sa iyo, marapat na masuri ang iyong immune system. May ilang mga tao na mahina ang resistensiya dahilan kung bakit sila madaling kapitan ng sakit gaya ng simpleng sipon.

Ano Ang Dahilan Nito?

May mga ilang kondisyon sa kalusugan na pwedeng maging sanhi ng di nawawalang sipon. Kung ito ay pabalik balik o tumatagal ng ilang linggo, dapat itong ipatingin sa isang doktor. Ang mga sumusunod ay posibleng dahilan nito:

  • Allergy gaya ng allergic rihinitis
  • Diabetes
  • TB
  • Mahinang baga
  • Sinusitis o pamamaga ng sinuses
  • HIV

Bakit Ako Meron Nito?

Ang mga naitala na mga sakit ay dapat lamang makompirma ng isang doktor sa pamamagitan ng mga tests. Ngunit dahil ikaw ay palaging sinisipon, hindi ito nangangahulugan agad na meron kang mga malubhang sakit gaya ng naisulat. Ito ay gabay lamang sa mga posibleng dahilan ng matagalang pagkakasipon.

Ano Ba Ang Sintomas Nito?

  • Palagi kang sinisipon sa umaga pagkagising
  • Hindi nawawala ang sipon na tumutulo makalipas ng ilang araw o linggo
  • Umaabot sa isang buwan at hindi pa rin nawawala ang sipon
  • Maaaring may lagnat o sinat
  • Pwede ka rin magkaroon ng na ngluluha na mata
  • Madalas na pagbahe o hatsing

May Gamot Ba Para Rito?

Ano ang gamot sa laging sinisipon? Ang pagkakaroon ng sipon ay hindi sakit. Ito ay isang sintomas ng isang problema sa kalusugan. Kung ito ay simpleng allergy lamang, pwede kang gumamit ng anti allergy na gamot kung ito ay nireseta ng doktor.

Pwede mo rin tanggalin ang mga bagay na nakakapagbigay ng allergy gaya ng mduming bagay, usok, polusyon, alikabok at iba pa. Samantala, kung ito ay dahil sa isang sakit sa respiratory system, ito ay dapat na gamutin sa tulong ng isang doktor. Ang mga halimbawang sakit na TB, lung cancer, sinusitis, HIV at diabetes ay may nakatakdang mga gamot upang ito ay malunasan.

Mga Vitamins at Pagkain

Ang pagpapalakas ng iyong resistensiya ay makukuha sa pamamagitan ng pag-exercise, pagtulog ng sapat at pagkain ng masustansiya. Ilan sa mga makakatulong na pagkain ay yung mataas sa vitamin A at vitamin C. Ngunit importante na ikaw ay kumain ng sapat at tama na may balanseng nutrisyon.

Mga Sintomas Sa Bata

Madalas na ang hindi nawawalang sipon sa bata ay sintomas ng mahinang resistensiya. Kung ang bata ay sakitin at madaling kapitan ng sakit, dapat ipakonsulta ito sa isang pediatrician upang malaman ang dahilan ng kanyang mahinang immune system.



Last Updated on February 23, 2018 by admin

Home / Mga Sakit Sa Paghinga / Hindi Nawawala Ang Sipon Ng Matagal Na Araw O Buwan