Masakit ba ang daliri mo sa paa o kamay? Pwede itong magkaroon ng sugat na hindi gumagaling dahil sa ingrown na kuko. Importante na ito ay malunasan para hindi lumala ang infection at pananakit.
Ano Ang Ingrown
Ito ay abnormal na pagtubo ng kuko na tumutusok sa malambot na parte ng daliri. Madalas itong nangyayari sa malaking daliri sa paa lalo na kung hindi normal ang pagtubo ng kuko sa gilid na parte nito.
Dahilan ng Hindi Gumagaling na Ingrown
Ang sugat sa ingrown na hindi gumagaling ay maaaring senyales ng infection. Kapag ang balat at tissues sa paligid ng kuko ay masyadong natutusok ng kuko, ito ay pwedeng magkaroon ng sugat.
Kung ang sugat ay palaging nababasa o kaya naman ay kulang sa ventilation, ito ay maaaring magkaroon ng nana o infection at mamaga. Sa isang banda, pwede ring matagal gumaling ang sugat nito kung ikaw ay diabetic o mataas ang blood sugar.
Related: Bakit Hindi Gumagaling ang Sugat
Paano Ito Gamutin
Ang gamot sa ingrown ay ang pagtanggal ng kuko na tumutusok sa balat o tissues sa daliri. Ito ay posibleng magawa sa pamamagitan ng nail trimming tools gaya ng nail cutter. Ngunit importante na ito ay gawin ng isang doctor para mas mapangalagaan ang sugat.
Doctor Para sa Ingrown na Kuko
Ang anumang sintomas sa balat, kuko at buhok ay pwedeng ikonsulta sa isang dermatlogist. Magtanong kung ano ang dapat gawin sa iyong ingrown at alamin ang gamot para sa impeksyon.
Paano Maiiwasan
Ang pagkakaroon ng sugat sa daliri dahil sa kuko ay nangyayari kung hindi normal ang pagtubo nito. Ang regular na pag-trim ng kuko ay makakatulong parang hindi ito tumusok sa gilid ng daliri.
Kung ikaw ay may sugat na hindi gumagaling, importante na ito ay ipatingin agad sa doctor.
References: Mayoclinic