Ang sanhi ng matinis na tunog sa tenga ay pwedeng dahil sa infection, nerves o seizure.
Impeksiyon sa tenga – ang mga taong may problema sa tenga ay maaaring may impeksyon. Ito ay pwedeng magdulot ng matinis na tunog sa loob dahil sa irritasyon.
Problema sa nerves – ang ilan sa mga nakakaranas nito ay pwedeng may sakit sa nerves. Ito ay nangyayari kapag may damage sa nerves na nsa loob ng tainga. Sabi ng MayoClinic, ito rin ay tinatawag na tinnitus.
Seizure – ang mga taong may seizure sa utak ay maaaring makaranas ng iba’t ibang sintomas sa tenga. Maaaring may marinig silang tunog sa loob gaya ng matinis, sumisipol na tunog o kaya ay biglang malakas na tunog sa loob.
Katandaan – ang mga taong may edad ay mas malaki ang pagkakataon na magkaroon ng ganitong sintomas. Ang problema sa sirkulasyon ng dugo ay pwede ring magdulot nito.
Ang ganitong uri ng sintomas ay kadalasang hindi na kailangan ng gamot dahil kusa itong nawawala. Ngunit kung ito ay nakakaabala sa iyo o kaya ay may ibang kasamang sintomas, dapat itong ipa konsulta sa isang doktor sa tenga.
Ang isang ENT doctor ang pwede mong lapitan para sa matinis na tunog na iyong naririnig.