Madalas mo bang maranasan na kumikibot ang bibig mo? Pwede itong isang sanhi ng sakit. Kung ikaw ay nakakaranas ng iba pang sintomas, importante na malaman kung ano ang dahilan ng kumikibot na labi sa taas at baba.
Mga Posibleng Dahilan
Ang pagkakaroon ng anxiety ay pwedeng magdulot ng kumikibot na muscles kasama sa bibig. Sa ilang pagkakataon, pwede rin itong dahil sa damaged nerves. Sa mga taong may risk ng stroke o kaya diabetes, maaaring may damaged nerves din na mangyari. May pagkakataon rin na ito ay pwedeng dahil sa sobrang caffeine, hormone imbalance o kakulangan sa vitamins.
Mga Posibleng Sakit ng Kumikibot na Bibig
Stroke
Nerve Damage
Diabetes
Muscle stress, strain o pain
Tumor sa utak o brain cancer
Tourette Syndrome
Kakulangan sa vitamins
Mga Sintomas
Ang alinman sa mga ito ay pwedeng maranasan ng isang tao:
Kumikibot ang ibaba o itaas na parte ng bibig at labi
Nanginginig ang labi
Parang gumagalaw mag-isa ang bibig
Maliit na kibot sa labi
Namamanhid ang labi
Walang pakiramdam ang bibig
Ano Ang Gamot sa Kumikibot na Bibig
Importante na malaman ng doctor kung ano ang sanhi ng iyong sintomas. May ilang tests na pwedeng ipagawa sayo para malaman ang dahilan nito. Kumonsulta sa isang espesyalista kung ito ay nangyayari na ng matagal ay may kasamang ibang sintomas gaya ng sakit ng ulo, panlalabo ng paningin, masakit na mukha at iba pa.
Doctor Para sa Bibig
Ang isang internal medicine, family medicine o general medicine ay pwedeng konsultahin para sa ganitong sintomas. Kung ito ay may kinalaman sa nerves, ang isang neurologist ay pwedeng makatulong.
Reference: Medical News Today