Ang dahilan ng pag ubo at samid habang tulog ay may kaugnayan sa iyong paghinga. Ito ay tinatawag na sleep apnea sa English. Malimit na ito ay nangyayari sa mga taong may problema sa daluyan ng hangin ayon sa IntusHealthCare.
Sa aming karanasan, maaaring tumigil sa paghinga ang may sleep apnea. Ito ay parang nababarahan sa lalamunan ng ilang segundo bago umubo at bumalik sa paghinga.
Ang sleep apnea ay isang kondisyon kung saan humihinto ang paghinga ng isang tao habang natutulog. Ang pasyente ay maaaring magising dahil sa pagkasamid o kaya ay nabilaukan sa hangin o laway.
Paano Nagkakaroon nito? Ang ilan sa mga dahilan kung bakit ito nangyayari ay ang mga sumusunod:
- Pagiging mataba o overweight
- Pag inom ng alak o anumang may alkohol
- Maling pwesto ng ulo sa paghiga sa unan
- Naiipit na leeg at daluyan ng hininga
- Pagbaba ng dila sa lalamunan habang tulog
- Paghilik
- Pagkakaroon ng problema sa paghinga
Kung ikaw ay may sleep apnea, may ilang paraan para ito ay malunasan.
- Una, ayusin mabuti ang paghiga sa kama at siguruhing hindi naiipit ang daluyan ng hangin sa lalamunan.
- Dapat ding bawasan ang pagkain ng mga nakakataba.
- Umiwas din sa pag inom ng alak at iba pang alcoholic drinks.
May gamot ba para rito? Importante na ikaw ay kumonsulta sa doktor upang malaman ang lunas o gamot para sa kondisyon na ito. Maaaring ikaw ay isailalim sa sleep test upang mamonitor ang iyong paghinga habang tulog.
Sa mga pagkakataon na malala, ang surgery ay maaaring irekomenda ng doktor.
Ang isang sleep doctor ay maaaring tanungin tungkol sa karamdaman na ito. May mga eksperto sa pagtulog na dapat konsultahin upang malaman ang sintomas, dahilan at tamang treatment option.