Sa isang babae, ang dumudugo na puwerta ay maaaring dahil sa mga polyps, sugat o infection. Sa ibang dahilan, pwedeng ito ay may kinalaman sa cancer.
Narito ang ilang descriptions na nakuha namin:
Polyps – ayon sa WebMD, posibleng ito ay may kinalaman sa polyps o fibroids. Ito ay mga namumuong tissue sa loob ng ari.
Nasugtan – Ang pakikipag sex ay pwedeng magdulot ng pagdurugo sa ari ng babae depende sa actibidad
May Impeksiyon – May ilang impeksyon na STD o sexually transmitted disease na pwedeng magdulot ng pagdugo sa puke ng babae.
Cancer o Tumor – may ilang pagkakataon na kung saan ang pagdurugo sa ari ng babae ay may relasyon sa tumor. Ang ilan sa mga dapat bantayan na dahilan ay cervical cancer, ovarian cancer at cancer of the uterus.
Importante na bantayan ang kalusugan kapag ikaw ay menopause na. Hindi pangkaraniwan na magkaroon ng regla kapag menopause na ang isang babae.
Pagbubuntis – may ilang babae na hindi alam na sila ay buntis. Kung ang biglaang pagdurugo ay dahil sa pagbubuntis, dapat itong ikonsulta agad sa doktor.
Ang pagdugo ng kahit anong bahagi ng katawan ay nangangailangan ng agarang solusyon. Dapat na magpa check up sa doktor lalo na kung ang sintomas ay nangyayari na sa maraming araw.
Sa kasong ito, ang doktor lang ang pwedeng mag-diagnose kung ano ang gagawin. May ilang surgery gaya ng raspa o hysterectomy ang pwedeng irekomenda ng doktor.
Pumunta kami sa isang public hospital at sabi ng mga na-interview na madalas silang makaranas ng ganitong sintomas.
Ang isang OB Gynecologist na doktor ang eksperto sa kalusugan ng isang babae. Pwede sa kanila ipa-check up kung ano ang tunay na dahilan ng iyong sintomas.