Ang tuhod ay maaaring sumakit dahil sa arthritis, fracture o kaya naman muscle strain. Narito ang mga description na na-research namin.
- Arthritis at Rayuma – Ito ay madalas na nararamdaman ng mga taong may edad na ayon sa Mayoclinic. Kung ikaw ay edad 40 pataas, malaki ang tyansa na ikaw ay magkaroon ng sakit na ito sa mga buto.
- Bali sa Binti at Hita – Ikaw ay posible ring magkaroon ng pananakit kung may bali o injury sa buto na malapit rito.
- Napilayan o nahulog mula sa mataas na lugar – Ito ay maaaring dahil sa physical trauma o herniated disc.
Importante na malaman muna kung ano ang sanhi ng masakit na tuhod. Kung ikaw ay may arthritis, may mga gamot na pwedeng mabili mula sa mga botika at pharmacy.
Kadalasan, ito ay gawa sa mga pain relievers para mabawasan ang pananakit. Ang doktor lamang ang pwedeng magreseta nito. May ilan na over the counter medicines din.
Madalas na isang orthopedic doctor ang pwedeng matanong kapag may kinalaman sa tuhod. Kung hindi ito available, pwede rin sa isang family medicine doctor.