How To Cure Ubo o Cough

Matindi na ba ang pahirap ng ubo mo? Ito ay nakakahiya at nakakaistorbo sa iyong gawain. Madalas, ang matinding ubo ay magdudulot ng pagod sa iyong katawan at panghihina.

Paano Gamutin Ang Ubo?

Paano pagalingin ang ubo ng madalas? Ang ubo ay reaction ng katawan para malinis ang lalamunan, baga at daluyan ng hangin. Iba iba ang pwedeng dahilan ng inuubo kaya dapat itong ikonsulta sa doktor kung ito ay nakakaabala na sayo o kaya naman ay tumatagal na ng ilang araw.

May ilang over the counter na gamot para sa ubo na pwedeng mabili sa botika. Ang mga ito ay hindi na kailangan ng reseta. Ngunit dapat mong itanong sa doktor o pharmacist kung ang gamot na iinumin ay may side effects. Huwag rin iinom ng kahit anong gamot na hindi nireseta ng doktor o kung ikaw ay may allergy.

Kailan Dapat Magpakonsulta sa Doktor dahil sa Ubo?

Ang ubo ay hindi dapat balewalain. Kapag ito ay may ibang sintomas na kasama, pumunta agad sa doktor. Ilan sa mga ito ay pagkakaroon ng plema, dugo sa plema, lagnat, panghihina, hirap makahinga o kaya naman pananakit ng dibdib at lalamunan.

Gamot na Antibiotic Para Sa Ubo

Ang ubo na dahil sa impeksyon ay ginagamot ng antibiotic. Ngunit gumamit lamang nito kung may reseta ng doktor. Ang antibiotics ay maaaring makasama sa iyo kung ito ay iinumin mo nang walang payo ng doktor.

How to Cure Ubo ng baby

Ikonsulta sa iyong pediatrician kung ano ang tamang gamot para sa ubo ng bata o baby. Ang ubo ng bata dahil sa hika o allergy at dapat ring itanong sa iyong doktor.

May Herbal na Para Sa Ubo

May ilang natural herbal medicine na nakakatulong para sa ubo. Ang mga sangkap nito ay nakakabigay ng ginhawa sa tamang paggamit. Alamin kung ano ang mga natural na gamot para sa ubo.

Ano Ang Mga Dahilan ng Ubo?

May ilang sakit at kondisyon na sanhi ng inuubo.

Lung cancer – Click Sintomas ng Lung Cancer

TB o tubercolosis – Click Mga Sintomas ng TB

Sakit sa baga

Pagkakaroon ng plema o sipon

Pagtaas ng acid mula sa sikmura

Allergy at asthma

Paano Gamutin ang Ubo na Mahigit Isang Linggo?

Ang pagkakaroon ng ubo na mahigit sa dalawang linggo ay nirerekomenda nang ipatingin sa doktor. Madalas, ito ay dahil hindi pa nawawala ang factors kung bakit inuubo. Kung ito ay impeksyon, ang pag ubo nga dalawang linggo ay dapat nanang ipatingin.

Kung ang ubo naman ay hindi nawawala kahit uminom na ng gamot, mabuting ikonsulta ulit ito sa isang doktor.

Anong Klaseng Doktor ang Para sa Ubo?

Ang isang doktor para sa ubo ay tinatawag na Pulmonologist kung ito ay dahil sa baga. Kung ang iyong ubo naman ay sa tingin mo nanggagaling sa sikmura, ang Gastroenterologist ang pwede mong tanungin. Maliban sa dalawa, ang ubo sa lalamunan ay pwede sa isang ENT doctor.

Covered ba ng healthcard and check up sa ubo? Maraming healthcard HMO ang tinantanggap ang check up sa ubo. May ilang procedures din na pwede mong gamitin ang iyong Philhealth at senior citizen card.