Walang malasahan na pagkain? Ito ay posibleng mangyari at may ilang sanhi kung bakit meron ka nito. Ang panlasa ay importante upang malaman kung ano ang iyong kinakain at malasahan ang sarap nito. Ngunit may ilang pagkakataon na kung saan nawawala ang panlasa dahil sa ilang problema sa kalusugan. Alamin kung ano ang posibleng sanhi nito.
Ano Ang Nararamdaman na Sintomas?
Ang kawalan ng panlasa ay isang pakiramdam na hindi dapat balewalain. Kung ito ay matagal nang nangyayari, importante na malaman ang sanhi nito. Ilan sa sintomas ay:
- Kawalan ng panlasa sa pagkain
- Hindi malasahan ang maalat, matamis, maasim at mapait
- Hindi makalasa ng kahit anong pagkain
- Parang manhid ang dila
Mga Sakit Na Panlasa
Ang kawalan ng panlasa ay maaaring hindi eksaktong sakit ngunit sintomas ng isa pang karamdaman. Kung ikaw ay may sipon o barado ang iyong ilong, mababawasan ang iyong panlasa o kaya naman ay tuluyan itong mawala.
Ang injury sa nerves na nagbibigay ng panlasa ay posible ring maging dahilan ng kawalan nito. Kung ikaw ay may sakit sa nerves o kung ito ay nainjure, pwedeng mawala ang panlasa.
Ang mainit na pagkain o kahit anong damage sa iyong taste buds gaya ng kemikal ay pwedeng magpawala ng panlasa sa pagkain.
Minsan, may mga sakit na pwedeng maging dahilan ng ganitong sintomas gaya ng diabetes, stroke, tumor sa utak at iba pa. Importante na kumonsulta sa isang doktor kung ito ay ikinababahala mo ng ilang araw.
Paano Ito Gagamutin
Ang paglipas ng iyong sipon ay magiging dahilan rin ng pagluwag ng iyong paghinga. Kasabay nito ay maibabalik rin ang iyong panlasa. Ang pagkasira ng taste buds at ng nerves ay pwede ring gumaling makalipas ang ilang araw o buwan. Ngunit dapat itong matingnan ng doktor upang makasiguro na hindi ito dahil sa malalang sakit.
Anong Doktor Ang Dapat Tanungin
Ang isang ENT na doktor ay pwedeng mag diagnose ng sakit sa dila. Pwede ka rin magtanong sa isang family medicine o general medicine na doktor.