Walang Madinig Ang Isang Tenga – Barado Ba O Sira Ang Ear Drums?

May nararanasan ka bang parang kulob sa loob ng tenga? Pwedeng ito ay makaapekto sa iyong pandinig kapag pinabayaan. Ang mga taong may nararamdaman na mahinang tunog sa isang tenga ay dapat na kumonsulta sa doktor. Ano ba ang dahilan nito?

Mga Sintomas na Hindi Makarinig sa Isang Tenga

Ang tenga sa kaliwa o kanan ay pwedeng makaranas ng mga sintomas na ito:

Walang pumapasok na tunog sa isang tenga

Mahina ang nadidinig sa tainga

Parang may umuugong sa tenga mahina ang tunog

Barado ang pakiramdam ng isang tenga

Ano Ang Posibleng Dahilan Nito?

Ang pagkakaroon ng sipon ay pwedeng magdulot ng baradong tenga. Ito ay makakaranas ng parang kulob na pakiramdam o kaya naman ay hindi makapasok na tunog.

Pwede ring isang ear infection ang dahilan kung bakit ito nangyayari. Kung ikaw ay may pamamaga sa loob ng isang tenga, ito ay may pakiramdam na parang humina ang tunog na pumapasok.

Ang pagkasira ng iyong ear drums ay pwede ring maging dahilan ng ganitong sintomas. Kung ikaw ay palaging nakikinig na malakas o kaya naman ay nabutas ang iyong ear drums, ito ay pwedeng mangyari.

Ano Ang Doctor Para sa Tenga Na Barado?

Ang isang ENT doctor ay pwedeng konsultahin para sa ganiting sintomas. Pumunta sa isang ospital at kumonsulta sa isang doctor.

Paano Ito Ginagamot?

Depende sa diagnosis ng iyong doktor, ito ay pwedeng magamot gaya ng antibiotics. Ngunit kung ikaw ay may damaged na ear drums, ito ay pwedeng maayos gamit ang surgery at iba pa.

Ito Ba At Senyales ng Pagkabingi?

Ang pagiging bingi ay pwedeng maidulot ng sirang ear drums. Ang mga infection na hindi nagagamot at naagapan ay pwede ring magdulot ng pagkabingi. Kaya importante na sumangguni agad sa isang doktor kung may mga sintomas.



Last Updated on September 28, 2019 by admin

Home / Problema sa Tenga / Walang Madinig Ang Isang Tenga – Barado Ba O Sira Ang Ear Drums?