Umiikot Ang Paningin At Parang Matutumba Ano Ito?

Umiikot ba ang paningin mo at nahihilo? Ito ay hindi dapat ipagwalang bahala dahil may ilang sakit na pwedeng mgdulot nito. Ang parang umiikot na paningin ay pwedeng maging sanhi ng iyong pagtumba. Mawawalan ka ng tamang balanse na delikado lalo na kung ikaw ay naglalakad.

Sintomas

Ang pagkakaroon ng hilo ay pwedeng maging sanhi ng umiikot na paningin. Ang ilan pa sa posibleng maramdaman ng pasyente ay:

Umiikot ang paningin kahit naka steady

Hindi makalakad ng maayos dahil sa pag-ikot ng paningin

Nahihilo at parang nahihilo

Natutumba dahil sa pag-ikot ng paningin

Nagsusuka dahil sa umiikot na paningin

Sanhi Ng Sintomas

Ang vertigo ay isang posibleng sanhi ng pag-ikot ng paningin. Kung ikaw ay meron nito, ang buong paligid ay umiikot at pwede kang mawalang na balanse sa pagtayo o paglalakad. Ang isang posibleng sanhi naman nito ay ang pagkakaroon ng ear infection.

Ang tenga ay may parte na siyang nagbibigay ng balanse sa ating pagtayo at paglakad. Kung ikaw ay may infection sa tenga, ito ay posibleng maging sanhi ng vertigo. Ngunit may ilang pagkakataon na ang dahilan ay nasa utak. Kung ang isang tao ay may tumor o cancer sa utak, ito ay posibleng maging sanhi ng pagkahilo, pagsakit ng ulo at pagkatumba.

Brain Cancer

May brain cancer ba ako? Ang sakit na ito ay dapat lamang na ikonsulta sa isang doktor dahil ito ay isang seryosong karamdaman. Ngunit dapat mong isipin na hindi dahil nahihilo ka ay ibig sabihin na may cancer ka na. Tanging ang doktor lamang ang pwedeng magbigay ng diagnosis ng iyong karamdaman.

Paano Ginagamot

Ang vertigo na nasisimula sa tenga ay dapat na ikonsulta sa isang doktor. Ngunit ang doktor lamang ang pwedeng magbigay ng tamang gamot at treatment sa kahit anong problema sa iyong kalusugan. Kung sa tingin mo ito ay dahil sa iyong tenga, pwede kang sumangguni sa ENT na doktor.

Ang problema sa utak ay dapat ding isangguni sa isang espesyalista. Kung may iba ka pag sintomas, mabuting magpa-check up sa isang neurologist.

Mga Iba Pang Dapat Bantayan

Ang madalas na pag-ikot ng paningin at maaaring may kasamang ibang sintomas. Pumunta agad sa doktor kung ikaw ay may mga sumusunod:

Masakit na ulo

Nagsusuka

Natutumba

Panlalabo ng paningin

Hirap sa paghinga