Bakit palaging tuyo ang labi ko? Kung ito ay madalas mong problema, maaaring may kinalaman ito sa hydration. Ngunit minsan, hindi lang panunuyo ng bibig ang problema bagkus pwede rin itong magkasugat.
Mga Karaniwang Sintomas ng Tuyong Bibig
- Nanunuyo ang labi
- May bitak sa labi at may sugat na may dugo
- Namamanhid na labi at bibig
- Tuyo palagi ang labi sa taas at baba
- Dry lips
Bakit Ito Nangyayari?
Ano ang dahilan ng tuyo na bibig? Ang nanunuyo na bibig ay marahil sa kawalan ng moisture. Ito ay pwedeng mangyari kung kulang sa sa tubig sa katawan, malamig o tuyong panahon o kaya naman at may ilang sakit na pwedeng magdulot nito.
Lip Balm
Ang mga tuyong bibig ay pwedeng malunasan sa paggamit ng lip balm o lip gloss na may moisturizer. Ang mga ito ay makakatulong para hindi matuyo ang labi at hindi magbiyak.
Mga Dapat Gawin
Ang simpleng pagbabasa ng bibig ay makakatulong na para hindi ito matuyo at magsugat. Ang laway ay pwedeng gamiting para rito. Ang pag-inom din ng tubig ay mabisang paraan para maiwasan ang masakit na labi dahil sa panunuyo.
Doktor Para Sa Labi
Ang anumang doktor na family medicine o general medicine ay pwedeng konsultahin tungkol sa bibig. Kung may iba ka pang nararamdaman gaya ng pamamanhid at pagkapal ng labi, pwede mo itong isangguni sa isang doktor.