May tumutunog ba sa sikmura mo? Ang ganitong pangyayari ay maaaring may kinalaman sa iyong tiyan dahil sa gutom. Ngunit may ilang sakit na pwedeng dahilan ng umuugong na sikmura o tiyan. Ano ang mga ito?
Sintomas Sa Sikmura na Umuungol
May tunog sa loob ng tiyan
Parang laging gutom na pakiramdam
Kumukulo ang loob ng sikmura
Sinisikmuraan ang tiyan
Kumakalam ang tiyan o sikmura
Parang may bula sa loob ng tiyan
Mga Posibleng Sakit
Ang iyong tiyan ay may sikmura at bituka. Kung ito ay may tunog na parang umuugong, maaaring ikaw ay simpleng gutom lamang. Minsan, ang pagiging gutom ay hindi laman nasa isip kundi may sintomas din na tunog sa tiyan.
Ang pagkakaroon ng mataas na acid o hyperacidity sa tiyan ay pwede ring magdulot ng kumukulo na tunog nito. Kung ikaw ay masyadong maraming acid sa loob, pwede itong tumunog depende sa iyong galaw. Kung bigla kang uminom ng tubig, pwede itong umungol.
Ang acid reflux ay isan pang pwedeng dahilan ng umuugong na tiyan. Kung ito ay umabot na sa iyong lalamunan, pwede itong magdulot ng paghapdi ng lalamunan at pagdighay.
Ano Ang Gamot sa Maingay na Tiyan
Ang pagkain ng nasa oras ay makakatulong para maiwasan ang maingay na tiyan. Kung ikaw ay may sapat na pagkain, pwedeng mawala ito ng kusa. Ang pagkakaroon ng mataas na acid ay pwedeng magkaroon ng solusyon sa paggamit ng antacids. Alamin ang bagay sa iyo na pwedeng mabili sa mga botika.
Kung ang iyong sintomas ay may kinalaman sa sakit sa tiyan, ito ay dapat na makonsulta sa isang doktor.
Ano Ang Doctor Para sa Maingay na Tiyan
Ang isang gastroenterologist ay makakatulong para malaman kung ano ang karamdaman mo. Pumunta sa isang doktor kung ang iyong sintomas ay hindi nawawala o may pananakit kang nararamdaman.
References: Fox