Sumasakit ang ulo kapag tumatawa? Maaaring ito ay kakaiba pero nangyayari ito sa mga tao. Kung ito ay isang sintomas na nararanasan mo, mahalaga na malaman ang sanhi upang magamot kung may problema sa kalusugan.
Sanhi ng Sakit sa Ulo Kapag Tumatawa
Ang pagtawa ay gumagamit ng maraming muscles. Ito ay nangyayari sa mukha, leeg at batok, dibdib at maging ang buong katawan. Minsan, ang ilang karamdaman ay pwedeng maging sanhi ng masakit na ulo tuwing tumatawa.
Ilan sa mga posibleng sakit na may kinalaman dito ay:
Hypertension
High blood or low blood pressure
Strained muscles
Maaaring ang muscle strain ang pangunahing may kinalaman sa pagsakit ng ulo kapag tumawa. Dahil sa nagbabatakan at naghihilahan ang muscles ay may spasm ang mga ito, maaaring maglimit ito ng oxygen na siyang nagbibigay ng sakit sa ulo. Para makasiguro, kumonsulta agad sa doktor kung ikaw ay nababahala.
Ano Ang Gamot sa Masakit na Ulo sa Pagtawa?
Ang gamot ay dapat na manggaling sa isang doktor. Ito lamang ang pwedeng magreseta ng gamot para sa sakit ng ulo. May ilang paraan para mabawasan ang mga sintomas gaya ng pagpahinga, pag-iwas sa mga gawain na nagpapasakit ng ulo o kaya naman ay pagkain ng masustansyang pagkain.
Doctor Na Dapat Konsultahin
Ano ang uri ng doctor para sa ganitong sintomas? Pwede mo itong ipatingin sa isang head surgeon doctor. O kaya naman, ang isang neurologist ay pwede rin tumulong sa mga sintomas na may kinalaman sa ulo.
References: Mayoclinic