Ikaw ba ay may pasma? Sa mga Pilipino, ang ganitong uri ng karamdaman ay nararanasan depende sa mga sintomas nito. Ang pagkapasma ay maaaring may kinalaman sa kakayanan ng katawan o kaya sa kalusugan. Importante na malaman mo kung ano ba ang pasma.
Ano Ba Ang Pasma
Sa mga Pilipino, ang pasma ay ang kondisyon kung saan ang katawan ay may reaksyon ayon sa kalagayan ng panahon at environment. Sa mga doktor at iba pang siyentipiko, ang pasma ay walang kahalintulad na sakit o karamdaman na pwedeng gamutin. Minsan, may mga doktor pa na hindi naniniwala rito.
Paano Nagkakaroon ng Pasma
Ang pasmadong kamay ay madalas na inuugnay kapag ito ay hindi maka-steady ng position o nanginginig. Pwede rin itong pagpawisan depende sa gawain.
Sa mga matatanda, ang pasma ay nangyayari kapag ang katawan ay na-expose mula sa mainit at nalamigan.
Sa mga buntis, maaari ka raw mapasma kung ikaw ay mabilad sa araw at biglang maligo o kaya naman ay naligo agad pagkatapos manganak.
Sa isang banda, pwede ka raw mapasma kapag ikaw ay naligo agad kapag may lagnat o kakatapos lang ng lagnat na pwedeng maging isang binat.
Sintomas ng Pasma
Ayon sa mga kasabihan ng matatanda, ang pasma ay pwedeng may sintomas gaya ng:
- Nanginginig ang kamay at paa
- Binat
- Pinagpapawisan
- Masakit ang kamay, paa at kasu-kasuan
- Masakit ang kalamnan
May Gamot Ba Sa Pasma?
Ano ang gamot sa pagkapasma? Dahil hindi ito nirerecognize ng mga doktor bilang isang sakit, maaaring mahirap makahanap ng totoong lunas sa pasma. Ngunit kung ikaw ay naniniwala rito, ayos sa matatanda ay dapat kang magpahinga lamang.
Anong Doktor Ang Dapat Konsultahin
Maaaring mahirap makahanap ng doktor na naniniwala sa pasma dahil wala pa itong scientific basis. Kung may nararamdaman kang ibang sintomas, dapat kang kumonsulta sa isang doktor.