Sumasakit Na Talampakan Sa Ilalim Ng Paa – Masakit Pag Naglalakad

Masakit na talampakan kapag umaapak? Ito ay pwedeng dahil sa na-damage na tissues sa ilalim ng iyong paa. Madalas, ito ay nangyayari kapag mali ang klase ng sapatos na iyong nasuot. Sa isang banda, pwede rin itong mangyari kapag may injury na nangyari sa paa.

Ano Ang Mga Sintomas Ng Masakit Na Paa?

Ang talampakan ay ang ilalim ng bahagi ng paa. Ito ay pwedeng sumakit at magkaroon ng mga sumusunod na sintomas:

  • Sumasakit na talampakan tuwing aapak
  • Parang hinahatak ang ilalim ng paa kapag umaapak
  • Parang tinutusok ang ilalim ng paa kapag naglalakad
  • Masakit na ilalim ng paa kapag unang apak sa umaga

Ano Ba Ang Sanhi Nito?

Ang isa sa posibleng dahilan ay tinatawag na plantar fasciitis. Ito ay kondisyon sa paa kung saan ang mga parte ng paa gaya ng tissues, ligaments o kaya buto ay nagkakaroon ng stress.

Ito ay posibleng mangyari sa paulit ulit na pag-apak, maling sapatos, injury o kaya sobrang stretch sa sports at iba pang pisikal na gawain.

Paano Ito Ginagamot

Madalas ang simpleng paglalagay ng warm o cold compress ay makakatulong na. Pwede ka rin mag stretching ayon sa tamang posisyon. May mga exercises na pwedeng irekomenda ang iyong doktor para mabawasan ang pananakit.

Massage

Pwede ba ito magamot ng masahe? May mga taong nagsasabi na nakakatulong ang simpleng massage para maibsan ang masakit na paa kapag umaapak sa matigas na sahig.

 



Last Updated on July 9, 2018 by admin

Home / Mga Sakit Sa Paa / Sumasakit Na Talampakan Sa Ilalim Ng Paa – Masakit Pag Naglalakad