Masakit ba ang noo mo? May mga tao na maaaring magkaroon ng masakit na parte sa kanilang mukha. Kadalasan, ang sakit na ito ay pwedeng kumalat sa gilid ng ilong at buong ulo. Kung ito ay madalas na mangyari sa iyo, dapat mong alamin ang mga posibleng dahilan.
Ano Ang Dahilan ng Masakit Na Noo?
Ang noo ay bahagi ng mukha. Kung ito ay may masakait na parte na nasa gitna, posibleng ito ay dahil sa sinusitis. Ang sinusitis ay ang pamamaga ng mga espasyo sa mukha kasama ang bandang ilong, mata at noo.
Ang migraine ay isa pang posibleng dahilan ng masakit na noo. Kung ito ay kumalat na simula sa gilid ng ulo hanggang sa mukha, pwede itong makaapekto sa noo at mata.
Ano Ba Ang Sintomas Nito?
- Parang binibiyak ang noo at ulo
- Tusok na sakit sa noo
- Mahigpit na pakiramdam na parang iniipit
May Gamot Ba Na Iniinom?
Ang sinusitis ay pwedeng magamot sa pamamagitan ng ilang produkto na nabibili sa botika. Itanong sa pharmacist kung anong klaseng gamot sa sinusitis ang pwedeng inumin base sa iyong kalusugan at edad.
Sa isang banda, ang pain reliever ay maaari ring gamitin sa masakit na ulo at noo. Ngunit dapat kang mag-ingat sa kahit anong iinumin mo dahil may ilan na pwedeng magbigay ng side effects.
Iba Pang Sakit
Sa ilang tao na sinisipon, pwede ring magkaroon ng pananakit ng ulo, noo at ilong. Kung ikaw ay merong ganitong karamdaman, dapat mong subaybayan kung ikaw ay lalagnatin o magkakaroon ng iba pang sintomas.
Mga Dapat Iwasan
Iwasan muna ang pagpupuyat at pagpapagod. Kung ikaw ay madaling magkasakit, dapat mong iwasan ang magkaroon ng sipon at humina ang iyong resistensiya. May ilang pagkakataon na ang sinusitis ay dahil sa isang impeksyon.