Sumasakit Na Baba At Panga

Masakit ba ang baba mo? May ilang dahilan kung bakit ito nangyayari. Minsan, kasama nito ang pananakit ng panga, gilid nito at bunganga. Upang makahanap ka ng lunas, alamin natin ang posibleng dahilan ng masakit na bahaging ito ng iyong ulo.

Ano Ang Sintomas Na Nararamdaman?

  • Masakit ang ilalim ng baba sa panga
  • May bukol sa baba na masakit
  • Masakit ang buto ng baba at gilid ng panga
  • Masakit ang baba kapag binubuksan ang bibig

Dahilan at Sanhi

Ang baba o chin ay bahagi ng panga. Ito ay pwedeng sumakit depende kung saang bahagi ng baba. Kung ito ay masakit sa pinaka dulo nito, maaaring ang trauma o pagkabunggo nito ang dahilan dahil mabuto ang parte na ito.

Sa isang banda, pwede ring sumakit ang paloob na bahagi nito papunta sa leeg. Isa sa posibleng dahilan ay pagkakaroon ng namamaga na lymph node. Ang lymph node o kulani ay pwedeng matagpuan sa ilalim ng baba. Kapag ito ay iyong kinapa, mararamdaman mo na posibleng may pananakit kung ito nga ang dahilan. May maliit na bukol o umbok ang kulani sa baba at meron sa kanan o kaliwa.

Ang pagkakaroon ng impeksyon sa bunganga ang isa sa posibleng dahilan kung bakit may bukol sa ilalim ng baba na masakit. Ito ay pwedeng dahil sa dila, sa bibig, loob ng bunganga o ngipin. Importante na matingnan ito ng isang doktor o dentista.

May Gamot Ba?

Kung ang simpleng trauma sa muscles at buto ang dahilan, ito ay posibleng kusang gumaling din. Ngunit kung may biyak sa buto gaya ng injury sa sports, dapat itong matingnan ng isang doktor. Sa isang banda, ang namamaga na kulani ay gagaling din kapag nalunasan na ang impeskyong na pinanggagalingan nito.

Iba Pang Sakit

Kung may iba ka pang nararamdaman na sintomas, dapat kang kumonsulta sa doktor. Halimbawa, ang pamamanhid ng baba ay posibleng dahil sa stroke.



Last Updated on March 21, 2018 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Sumasakit Na Baba At Panga