Home / Sintomas ng Mga Sakit / Sumasakit Ang Ulo Kapag Yumuyuko: Ano Ang Dahilan Nito?

Sumasakit Ang Ulo Kapag Yumuyuko: Ano Ang Dahilan Nito?

Last Updated on September 12, 2019 by admin

Masakit ang ulo kapag yumuyuko? Kung ito ay madalas mong maramdaman, importante na malaman kung ano ang dahilan nito. May ilang pananakit sa ulo na pwedeng sintomas ng isang sakit. Ang pagsakit ng ulo ay hindi dapat isawalang bahala.

Masakit Na Nararamdaman – Sintomas

Kung ikaw ay nakakaranas ng ilan sa mga ito, importante na malaman ang sanhi:

  • Masakit ang ulo at harap ng mukha kapag yumuyuko
  • Sumasakit ang buong ulo kapag may yuko sa leeg
  • Masakit ang noo kapag binababa ang ulo
  • Masakit ang batok at leeg
  • Parang pumipintig ang ulo kapag niyuyuko ito

Dahilan ng Pananakit ng Ulo Habang Yumuyuko

Isa sa posibleng sakit ay ang pagkakaroon ng sinus infection. Ang sinuses ay mga espasyo sa loob ng ulo. Madalas, ito ay may epektong sakit sa bandang noo, ilong at pisngi.

Ang pagkakaroon ng abnormal na dalot ng fluids sa ulo ay posible ring maging sanhi. Ito ay may kinalaman rin sa sinuses.

Sa isang banda, ang blood pressure ay maaari ring magdulot ng pananakit ng ulo kapag yumuyuko. Depende sa posisyon ng katawan, ang pressure ay pwedeng umakyat papunta sa ulo.

Cancer Ba Ito?

May ilang pagkakataon na ang pananakit ng ulo gaya ng pagyuko ay may kinalaman sa cancer. Ang brain tumor ay pwedeng magdulot ng masakit na ulo kapag ginagalaw ito, pagyuko, pag-iling o pagtanga. Importante na sabihin sa doctor kung may mga sintomas ka gaya ng pagkalito, panlalabo ng mata, pagkawala ng pakiramdam ng parte ng katawan at iba pa.

Doctor Para sa Pananakit ng Ulo

Ang isang neurologist ay pwedeng konsultahin tungkol sa ulo. Ito ay may kinalaman sa mga nerves, utak at ugat. Kung sa tingin mo ito naman ay may mas malawak na sanhi, ang isang head doctor ay pwede ring konsultahin.

Pagkain Para sa Sakit ng Ulo

Ang ilan sa pwedeng makaginhawa ng sakit sa ulo ay yung may caffeine gaya ng kape, chocolates at iba pa. Ngunit ito ay hindi direktang mga gamot o lunas. Bilang stimulant, ang caffeine ay pwede lamang makabawas ng pananakit o pain.

Reference Source: Medline




error: Copyright Protected!