Sumasakit ang Tiyan Pagkatapos Kumain

Masakit ba ang tiyan mo pagkatapos kumain? Maraming tao ang nakakaranas nito at dapat mo ring malaman ang mga posibleng dahilan ng ganitong sintomas. Ang pananakit ng tyan pagkatapos kumain ay may mga kondisyon na kaakibat na dapat makita ng isang doktor.

Ano Ang Sintomas ng Pananakit sa Tiyan

Ilan sa mga posible mong maramdaman ay ang mga sumusunod:

  • Sumasakit ang tiyan kapag tapos kumain
  • Pakiramdam na parang nasusuka pagkatapos kumain
  • Parang puno ang tyan pagkatapos kumain
  • Impacho ang pakiramdam sa tiyan

Mga Posibleng Dahilan ng Masakit na Tiyan

Ang sumasakit na tiyan pagkatapos kumain ay pwedeng dahilt sa dyspepsia. Ito ay kondisyon na may kinalaman sa maayos na galaw ng mg muscles sa digestive system. May ilang paraan para ito ay maiwasan. Ngunit dapat kang kumonsulta sa isang doktor kapag may ibang sintomas gaya ng pagdurugo sa dumi, pagsusuka o pagkahilo.

Ang isa pang posibleng dahilan ng masakit na tiyan pagkatapos ng agahan, tanghalian o hapunan at ang ulcer. Ang ulcer ay mga sugat sa iyong sikmura na pwedeng dumugo o mamaga. Ito ay dapat na ipatingin agad sa doktor para hindi lumala.

Hyperacidity ay isa pang maaaring dahilan ng pananakit ng tyan. Ang sobrang acid sa sikmura ay nakakagulo sa maayos na pagtunaw ng pagkain. Pwedeng sumakit ang sikmura kapag masyado nang marami ang acid.

Mga Gamot

Paano gamutin ang sakit na ito? Ang pananakit ay isang sintomas lamang na dapat masuri ng isang doktor. Kung ikaw ay may hyperacidity, pwedeng magbigay ng gamot ang iyong espesyalista. Sa ulcer, it rin ay dapat na ikonsulta sa doktor upang malaman ang tamang lunas.

Mga Pagkain ng Dapat Iwasan

Ang mga pagkain na dapat iwasan ay makukuha rin mula sa rekomendasyon ng doktor. Alamin kung ano ang mga pagkain na dapat iwasan.