Ano ang pwedeng dahilan kung bakit sumasakit ang palad? Ang mga taong pwedeng magkaroon nito ay hindi dahil sa edad, kasarian o kalusugan. Minsan, ang pananakit sa gitna ng palad ay pwedeng dahil sa hindi malamang dahilan. Kung meron ka nito, dapat mong alamin kung bakit ito nangyayari.
Sintomas na Nararamdaman
- May ilang tao na ang nararanasan ay ang sumusunod:
- Pananakit ng palad sa bandang gitna
- Hindi mabaluktot ang mga daliri dahil masakit ang palad
- Sumasakit ang palad kapag humahawak
Ano Ang Dahilan ng Masakit ng Palad?
Ang gitna ng palad ay may buto, muscles at cartilage. Kung ito ay sumasakit, pwedeng dahil ito sa mga parteng nabanggit.
Ang isa sa dahilan ay carpal tunnel syndrome. Ito ay ang pananakit ng nerves sa bandang kamay at braso. May mga naiiipit na nerves kaya ito nangyayari.
Ang pagkakaroon ng arthritis ay pwedeng isa ring dahilan kung bakit may masakit na gitna ng palad. Ang mga joints sa iyong kamay ay pwedeng maapektuhan.
Kung ikaw naman ay nagkaroon ng sugat, pwedeng ang pagkakaroon ng masakit na parteng ito ay may impeksyon sa loob ng kamay.
Gamot sa Masakit na Gitna ng Palad
Ano ang pwedeng gamot sa masakit na palad sa gitna? Ang importante sa ganitong kalagayan ay malaman kung ano ang dahilan. Kung ikaw ay may arthritis, pwede itong magamot ng mga nirereseta ng doctor na pain reliever.
Sa isang banda, pwede rin itong magamot kung ang iyong dahilan ay sugat. Kung may bali naman ang iyong mga buto sa loob, ito ay dapat makita ng isang doctor.
Ano Ang Doctor Para sa Palad?
Ang palad ay pwedeng makita ng isang family o general doctor. Kung ikaw ay hindi pa sigurado, pwede ang mga espesyalistang ito para tumingin sa iyong kalagayan.
Mga Dapat Iwasan Na Gawain?
Sa iyong kalagayan, importante na makapagpahinga muna ang iyong mga kamay. Ito ay dapat na hindi ma-expose sa mabibigat na gawain. Iwasan rin ang pagbuhat ng mabibigat na bagay.