May nakikita ka bang sugat sa iyong ari? Sa mga lalaki, ito ay pwedeng mangyari sa titi, ulo nito o kaya sa bayag. Ang pagsusugat ay hindi dapat ipagwalang bahala dahil pwede itong sanhi ng mga sakit gaya ng STD.
Sintomas ng Sugat Sa Ari
Sugat na may dugo sa titi
Masakit na hiwa ng sugat sa butas ng titi
Masakit at namumula ang puno ng ari ng lalaki
Sugat sa bayag
Dumudugo na sugat sa titi
Mga Posibleng Dahilan ng Sugat sa Ari ng Lalaki
STD o sexually transmitted disease ay isang posibleng dahilan ng pagsusugat. Ilan sa mga ito ay Gonorrhea, Chlamydia o kaya naman ay Fungal infection. Herpes ay pwede ring maging sanhi nito.
Masikip na underwear o briefs ay pwede ring makasugat sa iyong ari. Kung ang tela nito ay hindi malambot o kaya magaspang, maaaring magdulot ng friction sa iyong titi lalo na kung ito ay masikip at ikaw ay tinigasan.
May ilang pagkakataon rin na ang sobrang friction sa pakikipagtalik ay nakakasugat ng ari. Kung ang iyong balat ay masyadong dry, ito ay pwedeng magdulot ng sugat.
Ano Ang Dapat Na Lunas?
Ang pagsusugat sa iyong ari ay dapat na ikonsulta agad sa isang doktor. Ang isang urologist ay pwedeng makatulong sa mga ganitong pagkakataon. Alamin kung ano ang dahilan ng iyong sugat at sundin ang gamot na iapapyo ng iyong doktor.