Sugat Sa Nunal – Delikado Ba Ang Hindi Gumagaling

Ang pagkakaroon ng sugat sa nunal ay dapat na ipatingin sa doctor. May ilang pagkakataon na ito ay sintomas ng isang sakit. Importante na malaman kung malignant o bening ang nunal kung ito ay nagsusugat.

Mga Dahilan ng Pagsusugat ng Nunal

Ang nunal ay parte ng balat. Kung ito ay may sugat, maaaring gumaling din ito. Ngunit kapag ang sugat sa nunal ay hindi gumagaling o kaya lumalaki, pwedeng ito ay senyales ng skin cancer. Sa ibang tao, ang sugat na hindi gumagaling ay pwede ring diabetes.

Sa maraming tao, ang sugat ay gumagaling din makalipas ng ilang araw. Ngunit kung ang iyong nunal sa mukha, kamay, tiyan at paa ay may sugat nang matagal, ikonsulta agad ito sa doctor.

Gamot sa Nunal na may Sugat

Ang nunal ay dapat na ipatingin sa doctor kung ito ay lumalaki, dumudugo, masakit o may sugat. Importante na malaman ng isang doctor ang lagay ng balat para malaman kung ano ang bagay na gamot para rito.

Mga Sintomas

Sugat sa nunal na hindi gumagaling

Dumuduo ang nunal

Nunal na lumalaki at nag-iiba ang kulay

Masakit ang nunal kapag hinahawakan

Makati na nunal at mahapdi

May buhok sa nunal na parang pimples

Doctor Para sa Sugat sa Nunal

Ang nunal ay parte pa rin ng balat. Pwedeng makatulong ang isang dermatologist para malaman kung ano ang problema. Ang nunal ay pwedeng dumugo o kaya lumaki depende sa kung ito rin ay may impeksyon.

References: Mayoclinic