Napansin mo na na masyadong madilaw ang ihi mo? Kung ito ay may kakaibang kulay, importante na ito ay mahanapan ng dahilan upang hindi lumala. Ano nga ba ang dahilan ng madilaw na ihi?
Ano Ang Pwedeng Maranasan?
Ang paninilaw ng ihi ay isa lamang sintomas. Kung may iba ka pang nakikitang senyales, maaaring isa ito sa mga yun:
- Dark orange ang ihi
- Sobrang dilaw na ihi at masakit
- Dark yellow ang ihi kahit uminom ng maraming tubig
- Dark brown o red ang lumalabas na ihi
- Mainit ang ihi at kulay orange
Ano Ang Posibleng Dahilan ng Maitim na Ihi
Ang pagiging dark o maitim ng ihi ay may mga dahilan. Maaaring ito ay kondisyon sa kalusugan o kaya naman at sakit. Ilan sa mga ito ay:
Dehydration o kakulangan sa iniinom na tubig
Infection o UTI
Pagdugo sa loob ng ari
Infection o sakit sa bato o kidney
Sakit sa atay o lapay
Pag inom ng dark na mga inumin gaya ng kape o softdrinks
Cancer
Hepatitis
Pag inom ng mga gamot gaya ng antibiotics
Ano Ang Dapat Gawin
Ang pagkakaroon ng dark orange, brown o yellow na ihi ay hindi dapat isawalang bahala. Importante na ito ay matingnan ng isang doktor para masuri.
Ano Ang Mga Test na Gagawin
Ang urinalysis ay posibleng irequest ng isang doctor para malaman ang dahilan ng ihi na matingkad ang kulay.
Ano Ang Doctor Para sa Dark na Ihi
Ang isang urlogist ay pwedeng konsultahin para sa mga sakit na may kaugnayan sa pag ihi. Alamin kung saan ang ospital na malapit sayo at magpa schedule ng check up.
Ano Ang Dapat Kainin kapag Madilaw Ang Ihi?
Ang pag inom ng maraming tubig ay makakatulong para mas maging malinaw ang ihi. Ngunit kung ikaw ay may napapansin na dugo, lagnat at iba pang masakit sa katawan, pumunta agad sa isang doctor para masuri.
References: Healthline