Ang stroke ay isang sakit na pwedeng ikamatay ng isang tao. Ang pagkaparalisa ng mga bahagi ng katawan ay nagdudulot ng hirap sa pang araw araw na buhay at ilan pang karamdaman.
Paano Malalaman Kung May Stroke?
Ang stroke ay pwedeng magkaroon ng mga sumusunod na sintomas:
Pamamanhid ng bahagi ng katawan
Nawawala sa tamang isip o pagkalito
Nakangiwi ang isang bahagi ng mukha
Kinikilabutan at namamanhid ang mga bahagi ng katawan
Pagkawala ng balanse
Pagkawala ng lakas at pakiramdam sa kamay, paa, braso, mukha
Matinding sakit ng ulo
Pagkahilo
Ang mga naisulat ay ilan lamang sa mga karaniwang senyales ng stroke. Kung ikaw ay meron nito, importante na magpakonsulta sa isang doktor upang malunasan.
Ano ang mild stroke? Ito ay isang uri ng stroke na hindi malubha ang epekto sa katawan. Ito ay pwede ring mangyari kapag kulang sa oxygen sa utak gaya ng pagbabara sa mga ugat o pagputok ng ugat sa utak.
Ano ang heat stroke? Ang mga senyales ng heat stroke ay halos pareho rin ngunit ito ay maaaring temporary lang. Pumunta agad sa emergency room kung may mga sintomas.