Sintomas ng Insomnia – Hindi Makatulog At Ano Ang Gamot O Lunas?

Ang mga sintomas ng may insomnia ay madaling makita o maramdaman. Kung ikaw ay hindi nakakatulog sa gabi sa loob ng maraming oras na paghiga, ito ay maaaring may kinalaman sa insomya. Ngunit hindi lahat ng tao ay alam na meron sila nito dahilan kung bakit nasisira ang kanilang kakayanan na magtrabaho ng maayos.

Ano Ba Ang Mga Sintomas Nito?

Iba iba ang maaaring maranasan ng mga tao. Ngunit isa sa mga ito ay posibleng may kinalaman sa mga sumusunod:


  • Hindi makatulog ng tamang oras gabi gabi
  • Gising pa rin at hindi inaantok sa madaling araw
  • Hirap makatulog kahit matagal nakapikit ang mga mata
  • Masyadong gabi kung makatulog ay masyadong maaga magising
  • Konting oras lang nakakatulog ng mahimbing
  • Nagigising sa kalagitnaan ng tulog
  • Iritable sa umaga
  • May depression at parang pagod pagkagising

May Gamot Ba Para Sa Insomnia?

Ang gamot para sa ganitong karamdaman ay maaaring ibigay ng isang doktor. May mga sleeping pills at mga anti-depression na gamot na posibleng ibigay ng isang doktor kung sa tingin niya ay makakatulong ang mga ito para ikaw ay makatulog ng maayos.

Samantala, may mga pwede kang gawin sa bahay upang subukang makatulog kahit walang gamot. Ito ay:

Tips Para sa May Insomnia

  • Pag-inom ng gatas na sagana sa melatonin
  • Pagbabasa ng libro hanggang sa antukin
  • Huwag mag-exercise ilang oras bago matulog
  • Mag-set ng eksaktong oras ng tulog araw-araw
  • Iwasan o bawasan ang mga inumin at pagkain na may caffeine, kape, chocolate, softdrinks.
  • Iwasan kumain ng madami bago matulog

Ano Ba Ang Dahilan o Sanhi

Ang insomnia ay maaaring may  kinalaman sa hindi magandang sleep habit, maling posisyon ng pagstulog, pagkakaroon ng stress, depression at anxiety, pagkain ng marami ilang oras bago matulog o kaya naman ay hormonal imbalance.

Kung sa tingin mo ay naaapektuhan na ang iyong trabaho at buhay, dapat mo itong ikonsulta sa isang sleep doktor. May mga sleep stress test na tinatawag upang malaman kung ikaw ay may problema sa pagtulog.

error: Copyright Protected!