Sintomas Ng Hyperacidity o Acid Reflux: Mga Palatandaan

Ang hyperacidity o acid reflux ay isa sa pinakamadalas na reklamo ng mga mga taong sumasakit ang tiyan. Maliban sa nakaabala ito, pwede ka rin magkaroon ng malalang sakit gaya ng ulcer kapag napabayaan. Alamin natin ang sintomas nito.

Mga Sintomas

Ayon sa Unilab, ang simpleng hyperacidity ay may mga senyales gaya ng:

  • Parang palaging busog o bloated ang tiyan
  • May kabag o palaging dumidighay
  • Masakit ang itaas na parte ng sikmura
  • Umuutot ng madalas
  • Lusaw ang tae o nagtatae na parang diarrhea
  • Mainit ang nilalabas na dumi (tae)
  • Pakiramdam na parang nasusuka
  • Pakiramdam na gutom ulit pagkatapos kumain

Ano Ang Lunas

Ang simpleng hyperacidity ay pwedeng lunasan ng mga antacid. Ito ay mabibili sa mga botika at hindi na kailangan ng reseta. Ngunit ang Acid Reflux ay medyo mas malala kaya ito ay nangangailangan ng mga gamot na ibibigay ng isang doktor.

Klase ng Doktor

Ang isang gastroenterologist ay expert sa paggamot ng mga sakit sa tiyan, sikmura, bituka at iba pang organs na may kinalaman sa pagkain, digestive system at panunaw.

Nagiging Cancer Ba

Walang pag-aaral na nagsasabing nagiging cancer ang ganitong problema sa kalusugan. Ngunit maaaring may epekto ito sa pagtaas ng risk na maging colon cancer. Mabuting itanong ito sa iyong doktor upang makasiguro.



Last Updated on August 23, 2024 by admin

Home / Mga Sakit At Sintomas Nito / Sintomas Ng Hyperacidity o Acid Reflux: Mga Palatandaan