Puting Guhit Sa Kuko – Dahilan ng Namumuti Na Kuko

May nakikita ka bang puti sa kuko mo? Pwede itong isang linya, mga guhit guhit, tuldok at iba pa. Alamin kung ano ang dahilan ng puting guhit sa kuko sa kamay.

Dahilan ng Puting Linya sa Kuko

Ang isang posibleng dahilan nito ay ang tinatawag na Muehrcke’s Lines. Ito ay isang condition sa fingernails na pwedeng dahil sa kakulangan sa protein sa katawan. Ito ay pwedeng horizontal o vertical naman sa iba. Ang albumin ang tinturong kakulangan kung kaya ito lumalabas.

Mga Gamot sa Puti sa Kuko

Sa ibang tao, kusa itong nawawala. Kung ikaw naman ay masyadong kulang sa protein, pwedeng magbigay ang doctor ng supplements o treatment para sayo. Ang ibang tao naman ay nagkakaroon ng mga ganitong sintomas dahil sa ilang sakit gaya ng liver, kidney disease o cancer.

Sintomas

May mga linya na puti sa kuko

Guhit guhit sa kuko sa pagkabilang parte

Tuldok na puti sa kuko

Puti sa kuko pero hindi masakit

Doctor Para sa Puting Kuko

Ang isang dermatologist ay makakatulong para sa iyong kondisyon. Pumunta sa isang derma upang itanong kung ano ang iyong sintomas. Ang mga doctor na ito ay expert sa balat, kuko at buhok.

Mga Pagkain Para Mawala ang Guhit sa Kuko

Gaya ng nasabi, maaaring lumabas ang sintomas na ito kung kulang sa protein na albumin. Makakatulong kung ikaw ay kakain ng masustansyang pagkain para makuha ang lahat ng nutrients.

References: WebMD



Last Updated on April 1, 2020 by admin

Home / Balat at Skin Treatment / Puting Guhit Sa Kuko – Dahilan ng Namumuti Na Kuko