Pusod Na Masakit: Bakit Sumasakit ang Loob Ng Pusod Ko

Isa sa posibleng dahilan ng pagsakit ng pusod ay sobrang pagkain at pwedeng may kinalaman sa hernia. Kapag ang isang tao ay sobrang busog, maaari itong makaapekto sa mga bituka at sikmura na pwedeng makapagdulot ng pananakit.

Isa pang dahilan ng masakit na pusod sa loob ay pagkakaroon ng impeksiyon sa appendix ayon sa Healthline.

Ang luslos o hernia ay pwede ring magdulot ng ilang masakit na parte ng tiyan kasama ang pusod. Kung ikaw ay nagkaroon na ng ganitong karamdaman, maaaring ito ay isangguni sa isang doktor

May solusyon ba sa masakit na pusod? Kung ito ay sumakit lamang ng biglaan, maaaring bantayan muna ng ilang oras. Importante na pakiramdaman ang katawan kung may lalabas na iba pang sintomas.

Kung ang pagsakit ng pusod ay paulit ulit at nangyayari araw araw, ito ay dapat na i-konsulta sa isang doktor upang malaman ang dahilan.

May ilang posibleng test na gagawin kapag ang pusod ay masakit. Ilan sa mga ito ay ultrasound, blood test, urinalysis o MRI at CT scan. Ang doktor lamang ang makakapagsabi kung ano ang susunod na gagawin sa masakit na tiyan at pusod.

Ano ang doktor para sa pusod? Maaari kang kumonsulta sa isang gastroenterologist tungkol sa tiyan at digestive system. Siya rin ang pwedeng magbigay ng gamot para sa appendicitis, hyperacidity at iba pa.

Mga Sintomas

  • Masakit na pusod na parang tumutusok
  • Masakit na loob ng pusod kapag lumiliyad o yumuyuko
  • Pananakit ng pusod na may kasamang pagsusuka
  • Pakiramdam na parang laging busog
  • Tumutusok sa loob ng pusod
  • Parang nababanat na sakit sa loob ng tiyan


Last Updated on September 8, 2024 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Pusod Na Masakit: Bakit Sumasakit ang Loob Ng Pusod Ko