May naririnig ka ba na tunog sa panga malapit sa tenga? Ito ay maaaring may kinalaman sa TMJ. Importanteng malaman ang dahilan nito at lunas.
Mga Sintomas
Ang mga posibleng sintomas ng pumuputok na tunog sa tenga at gilid ng panga ay:
- TMJ disorder
- Joint disease
- Infection sa tenga
Bakit Tumutunog Ang Panga
Kapag ang bunganga ay binuksan, may pwersa sa jaw joint na pwedeng magkaroon ng popping sound sa gilid ng tenga. Maaaring ito ay namamaga, infected o may problema sa buto.
Paano Gamutin
Magpakonsulta sa isang doktor para malaman kung ano ang dahilan ng tunog sa tenga kapag ngumanganga. Kapag binubuksan ang bunganga, kailangang gumalaw ang joint sa gilid ng skull at jaw o panga.
May ilang doktor na pwedeng mag rekomenda ng exercises para sa jaw, physical therapy or pain reliever kung ito ay sumasakit. Dapat na ipasuri muna ito sa isang espesyalista para malaman ang dahilan.
Doktor Para sa Panga
Kung ang sanhi ng pagtunog ay dahil sa TMJ, isang orthodontist ang pwedeng sumuri nito. May mga orthodontist dentist na available sa mga ospital at dental clinics. Maaaring may kinalaman ito sa maling posisyon ng mga ngipin.
Mga Test
Sa mga dental clinic, maaari silang mag-prescribe ng panoramic x-ray para makita kung may problema sa pagtubo ng ngipin at ng posisyong ng panga.
Reference: WebMD